Antok na naman

Dahil sa hindi ako nakatulog nung hapon. Heto mula nang nasa biyahe ako, grabe kulang nalang maglatag ako ng banig sa jeep sa sobrang antok ko. Kainis, tinatamad akong pumasok dahil malamig din ang panahon at masarap mag-kumot at himbing na matulog.

Maski sa bus din, antok pa rin. Nahawa na ata ang girl na katabi ko, at sumandal pa sa balikat ko habang natutulog. Hindi ko nalang ginising at baka magalit pa sa akin. Nagising naman siya nang malapit na kami sa bus stop. Sana lang hindi umepekto ang espiritu ng umay ngayon at nag kape na agad ako pagdating palang sa office.

3 Reaction(s) :: Antok na naman

  1. ako kahapon sobra din antok ko

  2. kaka-antok minsan pag super lamig!

  3. lalo na pag wala katabi sa pagtulog :(