Hay Brownout na naman

-Paguwi kaninang umaga sa bahay. Brownout. Bweset. Wala namang bagyo. Dapat sana nadamay na kami nung nawalang ng kuryente ang Cainta/Antipolo kaso hindi eh. Wala namang reported na maintenance sa kanilang website. Ewan. Pasalamat sila at malamig ang panahon at nakatulog ako. Kung hindi na naman ako makakatulog nito.

-Hapon na nagising, wala paring kuryente. Buti sana kung may tubig eh kaso wala rin. Mabuti pa sa tiyahin ko kahit brownout merong tubig. Buti na lang at puno ang drum ng tubig, sandali lang naligo at umalis na rin. Medyo umaambon-ambon sa labas.

-Pagdating sa Ayala-MRT, pagsakay sa The Fort bus, grabe naman ang traffic sa McKinley road, ilang minuto rin ang inabot. Buti na lang nakarating ako sa office on-time at hindi late.

-Sana pag-uwi may kuryente na. Kainis!

0 Reaction(s) :: Hay Brownout na naman