Hayz Late

Sa kasarapan ng tulog, 5.30pm na ako nagising, 7pm na wala pa ring masakyan na jeep papuntang crossing sa amin. Napilitan nalang akong mag tricycle (mga swapang na driver - ang mahal-mahal ng singil).

Isama mo pa ang super traffic na Commonwealth pati na ang driver na halos kada kanto na lang tumitigil at umaabot ng 5minuto ang pagtatawag niya ng pasahero. Tumakbo na agad ako mula MRT hanggang sa the Fort bus then sa building. Me kasabay pa akong halos late na rin kaya nagtatatakbo.

Hindi na rin naman ako nakahabol at 2mins akong late. Asar na asar ako sa jeep na iyon. Kung hindi lang siya nagbabad bawat kanto, hindi pa sana ako late ngayon.

0 Reaction(s) :: Hayz Late