Salamat at Weekend na

- Sobrang kapagod ang week na ito. Super daming backlog ng support function namin kaya kailangang tumulong sa kanila buong linggo. Sana lang matapos na sila sa ginagawa nila dahil hindi na namin maasikaso yung present function namin, lalo na't may mga bago kaming trainees na live na next month.

- Natapos na rin last Saturday morning ang "Nobody" team dance contest, kahit kaunti lang ang mga teams sa pang-gabi, kinarir talaga lalo na sa costumes at performance. Kahit hindi nanalo, at least nag participate ang team at naging masaya naman ang lahat.

- Yay! Nanalo ako ng DVD sa pa-raffle sa mga may 100% ang quality last September, looking forward for another price this year just in case maintain ang quality.

- Nagbalik na ang Mukamo kaya naman todo karir sa pagpo-post dahil sobra kong na miss ang forums kung san na ako lumaki, haha! Medyo tinamad na ako nang kaunti sa online games, paano kasi sobrang pahirapan.

- Excited na ako sa weekend getaway with my special someone.

0 Reaction(s) :: Salamat at Weekend na