She Says

"huwag mong ipilit ang mga bagay na parang bang inubos mo na ang buong lakas mo sa pagtulak sa pader. kahit anong gawin mo, hindi yan gagalaw, hindi yan mabubuwag, hindi yan mahuhulog sa iyo. ito yung klase ng hiling na alam mong hinding hindi tutuparin ng bathalumang sinasamba mo dahil kapag pinagbigyan ka niya, maaring pagtawanan lang siya ng mga santo at anghel sa langit.

hindi mo sinadya na puro kapintasan ang nakikita mo. ang bait mo pa nga ng lagay na yan dahil hinahanapan mo pa siya ng magandang ugali na maaaring maging palusot sa lahat ng ito. dakila kang maituturing dahil nagpasensiya at naghintay ka–kahit kailan hindi mo natural iyon. binigyan mo ng panahon ang puso mo para makakita ng rason para magpatuloy pero tulad ng dati, binigo ka na naman nito. masyado ng mahaba ang panahong ginugol mo para sa paulit ulit na pagbubulagbulagan. hindi nga yata pagbubulagbulagan ang salita pero aminin mong ginawa mo rin iyan. masaklap pero tinanggap mo ito ng maluwag habang lumuluha ka pauwi sakay ng tricycle at nalaman mo na wala pa palang panukli si manong drayber kaya mas lalong nanghinayang kang mabuhay."
-Broken Heart, Xienah's Chiksilog

3 Reaction(s) :: She Says

  1. very true.. napabuntong hininga lang ako ahehehe

    -kheed

  2. nakaka-relate ka ba kheed?

  3. oo eh.

    -kheed