Hilo

Kaninang umaga pagsakay ko sa bus, pagkaraan ng ilang minuto, nakaramdam ako ng biglang pagkahilo. Tuwing ganitong panahon na lang kung saan umaambon-ambon nararanasan ko ang ganito. Siguro isang factor na rin iyon pati na ang bus siguro since sarado ang mga bintana at walang hangin na pumapasok.


Pinipilit ko nalang na ibaling ang attention ko. Muntik na akong masuka kaya ipinikit ko nalang ang aking mata. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang nakababa na ako ng bus. Hayz, ayoko talaga ng ganung pakiramdam. Pagsakay sa jeep, walang palya talaga na nakakasabay ko si masungit at ang alagad niya. Pagkarating sa bahay, umupo agad ako at sumandal sa sofa. Hanggang sa humiga na ako at idlip sandali.

2 oras lang ang tulog ko dahil hirap akong makatulog dahil sa ingay na rin sa bahay. Pero paggising ko medyo bumuti naman ang aking pakiramdam hanggang sa pagpasok. Sana lang paguwi mamaya, hindi ko na maranasan ulit ang pagkahilo.

3 Reaction(s) :: Hilo

  1. buntis ka na Jin? lol
    matulog kase ng tamang oras

  2. siguro kailangan mong bumawi sa tulog. huwag pabayaan ang health. :)

  3. @xtian/aris
    hindi naman sa tulog ito. sa bus lang siguro ewan ko. sa panahon na rin.