Long Sleep

Medyo mahaba ang sleep ko kanina. Kahapon mga 3-4pm ako nakatulog at nagulat na lang ako na 1am na pala pagigising ko. Naabutan ko pang nanonood ng Mirror na movie ang kapatid ko at sarado na ang tindahan. Tanghali na kasi ako nakauwi kahapon. Gumala sa Megamall nang kaunti. Tingin sa MegaTrade puro Sale ng ToyKingdom, then sa dulo naman mga appliances. Akala ko aabutan ako ng ulan nung hapon na iyon.

Ayun after magising nang ganung oras, tinapos ko nalang panooring ung season 1 ng Legend of the Seeker, hindi ako nagandahan sa ending. Akala ko pa naman breath-taking daw gaya ng promotion nila, hehe. Hinika lang ako sa bilis ng pangyayari kung paano madaling namatay si Darken Rahl. Episode 6 palang sa US ang season 2 nito kaya medyo antay-antay lang muna.

Not sure kung sasali sa fun run sa MOA this 3rd week of November. Wala pa ako gears kasi nakakahiya naman, ayoko mangako sa aking sup na makakasama ako pero gagawin ko ang best ko. Hehe!

2 Reaction(s) :: Long Sleep

  1. CEL Manila - November 13-15 :D

  2. consumer electronics live. hehe. geh po try ko pumunta kasama asawa ko. hehe!