Pagkatapos ng Bagyo

Salamat na lang at maganda ang panahon ngayon. Kahapon ng umaga, sobrang lakas ng hangin habang pauwi ako sa amin. Pag-uwi mo sa bahay, brownout pa. Buti na lang at bumalik rin ito bandang tanghali.

Whole day kahapon ako natulog, nagising lang ako sa Panday sa ch.2 then natulog ulit. Nagising nalang ako sa MMK episode then hindi na ako nakatulog mula nun. Nanood lang ng Ju-On kagabi at Last of the Mohicans. Natulog sandali then around 8am nagising na naman.

Ganda ng panahon ngayon at balita ko hanggang bukas daw. Pero merong shallow LPA sa kanan ng Pinas pero by Wednesday pa siya makakaapekto. Sa mga pupunta sa sementeryo, mag-ingat sa mandurukot, huwag magdala ng mga pinagbabawal, huwag masyado gawing pista ang puntod at mag-ingat nalang sa papunta at pauwi. Wala kasi kaming patay dito at sa probinsya pa.

0 Reaction(s) :: Pagkatapos ng Bagyo