Puyat na naman

Akala ko pa naman maayos na ang tulog ko kanina. Kung bakit kasi maaga akong natulog at hindi muna nag-antay ng tanghali. Ayun 2 oras lang tulog ko at hindi na ako nakatulog pagkatapos nun. Kainis, yung gusto ng katawan mo na magpahinga pero yung utak mo active pa rin. Kahit umulan nang saglit hindi pa rin ako nakatulog.

Hayz, pagod na pagod ako nitong week na ito. Sobrang stressful lalo na ang unexpected na interview nakadagdag pa. Inaliw ko nalang sarili ko sa pakikipagtext sa kakilala ko. Sana nga next year talagang totohanan na out of town ang gagawin ko. Sasama ako lumuwas sa probinsya papuntang Mindoro at pumunta sa isla dun kung san nakatira yung friend ko. Waa, nakakatakot kasi hindi pa talaga ako nakakaranas ulit na tumawid ng dagat. Matagal pa naman iyon at pwedeng hindi matuloy.

0 Reaction(s) :: Puyat na naman