Restless

Kakapuyat sa part ko ang araw mula kahapon hanggang ngayon. Hindi ko inaasahan yung interview na this Thur na, hindi man lang kami pinagbigyan sa aming 3rd monthsary. Kailangan ko pa tuloy umuwi sa amin para gumawa ng resume at ipasa.

La kaming pasok kahapon (US Holiday) pero sige sinadya ko talaga ang The Fort para lang ipasa ang resume ko, sobrang antok na ako paguwi na paghiga ko sa sofa eh nakatulog agad ako at sinabi ko sa sarili ko na madaling araw na lang ako review for the interview.

Salamat at nakaraos na rin ang challenge na ito sa akin. Hindi ako umaasa na makakarating ng 2nd stage, for experience purpose nalang siguro dahil it's been almost 2 years since my last interview for my job. Parang refresher siguro ito of what to expect again everytime na aaply ako.

Finally mamayang umaga, makakatulog na rin ako nang maayos na walang iniisip kundi magbalik sa normal ang lahat.

0 Reaction(s) :: Restless