Tumaba ka ah!

Kagabi naabutan ko pa dati kong mga ka-teammates, langya talaga. Lahat sila iisa lang ang sinasabi. "Tumaba ka ah", Hayz ganun na siguro ako kataba. Pati BMI ko 26 something na rin nasa "Overweight" status na siya. Buti na lang si mahal sinasabi na hindi naman ako ganun kataba, pampalubag loob. Maski kaninang umama si mami Tek iyon din ang sinasabi na tumaba daw ako.

Matitiis ko ba naman kasi na nasa harapan ko ang pagkain at sinasabi sa akin, kainin mo ako. Kahit anung iwas ko talaga, kahit situps hindi ko pa rin nararamdaman na lumiliit ang aking tiyan. Nakakababa ng self-esteem pag ganito itsura mo. Kaunting panahon nalang magiging Buddha na rin ako; sana hindi umabot sa ganun. Kainis kelan kaya babalik ang aking katawan sa dati, nung kapanahunan ko nung kolehiyo.

0 Reaction(s) :: Tumaba ka ah!