Wata Wik

Kakaiba itong linggo na ito sa akin. Ngayon lang ako ulit nakadama ng "pagod" sa trabaho na dati eh petiks lang nang kaunti basta tamang work lang. Hindi na ako makapag sideline nang kaunti sa net dahil sa demand at taas ng goal namin ngayon. Kasalanan naman namin iyon. Bawat isa may pangangailangan rin at naghahabulan sa incentive o di kaya para sa annual appraisal. Siguro 'wag na lang magsisihan kung bakit umabot sa ganun ang lahat.

Nawala ring parang bula ang isa sa mga internal jobs na apply ko. Pero ok lang iyon, siguro hindi pa talaga oras para sa akin na lumipat at kailangan paghandaan ko ang interview portion dahil dito ako nadadali madalas dahil nauunahan ako ng kaba palagi. Magbabasa ng mga resources sa Net para sa mga tips at advice para next time handa na ako.

Minsan hindi ko rin maramdaman kung bakit ganito ako sa aking minamahal. Masyado akong seloso at nag-iisip ng hindi maganda sa kanya. Dahil ba malayo siya at hindi kami nagkikita madalas (once kada linggo - ok na rin!). Hindi ko alam pero hindi ko makuhang magalit sa kanya pag nagkakaharap kami. Gusto ko siya pagalitan pero nawawala iyon pag kasama ko siya. Ewan ko ba, siguro dahil sobra ko siyang mahal kaya nawawala lahat ng tampo at hinaing ko sa kanya pero minsan dapat niyang malaman kung ano ang nasasaloob ko para magkaintindihan naman kami.

Miss ko na mga berks ko at mga ex-classmate. Hanggang ngayon puro drawing parin ang supposedly na get together. Nabulok na kasama ng mga pananim na sinalanta ng bagyo ang plano na magkita-kita. Hanggat maari ayokong ipatong sa akin ang burden sa pagiging organizer. Nadala na ako. Please naman, pagpahingahin niyo na ako at imbitahin niyo nalang ako. Nakakadala na ang ibang hindi man lang pumupunta. Nakakawalang-gana minsan.

0 Reaction(s) :: Wata Wik