Kalbaryong Init

4th day na ng midshift na ito. Grabe na itong paghihirap na ito. Kainitan ng araw, nasa biyahe ka. Tapos bulok na FX pa ang nasakyan mo. Hindi na talaga ako sasakay sa mga lumang FX na yan. Dapat pinagpapahinga na mga ganyang sasakyan dahil pag tirik ang araw, kung kelan kailangan ng aircon saka pumapalya. Parang tinutusta kami sa looban bukod pa sa pwesto ko na nasisikatan ng araw. Ilang minuto (at parang inabot na ata ng isang oras) rin ang ginugol ko sa pwestong iyon.

Tapos pagdating sa MRT, siksikan pa na hindi na rin kinakaya ng aircon dun at katabi mo mga pawisan rin. Naghalo na ang mga amoy niyo dun. Pagbaba mo pa sa Buendia, sasakay pa ng bus at maglalakad sa katirikan ng araw para makarating sa office. Apat na araw na itong kalbaryo na ito. Hindi ko alam kung makakayanan ko pa ito. Sumasakit na ang ulo ko at natutuyuan ako ng pawis palagi.

0 Reaction(s) :: Kalbaryong Init