Bagong Simula

Ilang araw din ako hindi nakakapag-blog. Masyado busy sa laro at sa iba pang mga bagay-bagay. Pasalamat lang at hindi pa rin nawawala kahit papano ang urge to do blogging. Maraming dumating at umalis sa aking buhay.

Bagong simula sa lovelife, after a breakup before Christmas, heto Ok na po ako. Kelangan makapag-move-on na agad and seeing someone right now. This time gagawin ang higit na makakaya kesa sa nauna para sa kanya. Mahirap na magsalita baka maudlot pa.

Sa PS Boys naman (tropa ko sa amin), heto si Angelo na ang nag-initiate para sa bi-monthly na lakad ng grupo. Yung abot lang sa bulsa at makakasama ang lahat. Plano palang naman at mga ilang weeks pa naman. Planning to go to Corregidor and Clark Air Base (nasa checklist na this month). Bonding moment namin, ilang buwan na rin kasi kami hindi nagkikita, siguro dahil busy ang schedule sa work o may ibang pinagkakaabalahan ang iba.

Sa sarili ko naman, heto. Masyadong baboy na ako. Kelangang mag-trim na talaga kung gusto mo pa maging mabenta sa iba. Hehe! Kahit pa sabihing Ok naman ang katawan ko ngayon, gusto ko pa rin bumalik sa dating katawang lupa ko nung nasa kolehiyo palang ako.

Sa karera naman sa trabaho. Gagawin ang makakaya, lalo na't ngayon simula ng taon at maraming internal opening na naman sa trabaho. Sa nakaraang taon, salamat nga pala sa mga awards at mga raffle items na napanalunan. Sana maulit ngayong taon at huwag batiin.

Sa ngayon iyan lang muna ang aking battle plan para sa unang quarter ng taon na ito. Sana nga lang may resulta naman itong effort na gagawin ko. Hanggang sa muli!

2 Reaction(s) :: Bagong Simula

  1. good luck na lang para sa iyo..

  2. salamat po! welcome ulit sa aking munting blog.