Hay en Low

Parang sine wave ang emotions ko ngayon, minsan tumataas tapos sabay dip na naman. Ayoko ng ganito. Nagiging unstable na naman ako at apektado sa mga nangyayari sa palagid ko.

Kahapon lang down dahil hindi ko na-accomplished ang weekend goal ko na magkita-kita kami at bonding ng tropa. Kaninang umaga biglang nag-up dahil sa personal na kadihilanan na wag na nating pagusapan. Kasama na rin dito ang planong out of town kasama mga 1st time ko palang na makikilalang mga pipol, pero hindi pa ako sigurado kung makakapunta ako, depende nalang siya sa ibang mga factors sa pagdaan ng mga araw.

Tapos ngayon naman, bulusok na naman pababa, though hindi pa naman confirmed. Pero mukhang malabo na ang application ko sa isang position. Kailangan lang na accept na isa ito sa mga realidad ng buhay. Hindi palaging nakukuha ang gusto kahit ginawa pa natin ang best natin para lang makuha ito. Siguro sa ibang pagkakataon at panahon ako pagbibigyan. Nakakalungkot lang kasi na alam mo na, sayang ang panahon na pinagpaguran sa pag research at balik-aral sa mga posibleng mga ibigay na tanong. Makakapag-moveon din ako. Sariwa pa kasi, kaya masakit. Next time na lang siguro.

Sana pag-uwi ko, merong pampalubag loob kahit magluto sila ng breakfast at mahimbing na tulog sa tanghali. Hayz, ganito talaga ang buhay. Weder-weder lang.

Hanggang sa muli!

0 Reaction(s) :: Hay en Low