C1A1: Jerry en Kate

Napagplanuhan na magkikita sina Jerry at Kate. Nagkita sila sa isang bookstore. Nag-kwento saglit si Kate sa kanyang buhay. Bumili ng ticket tapos kumain sa isang fastfood. Kwento ulit si Kate. Nanood ng movie. Kasarapan ng movie, sinubukan ni Jerry hawakan ang hips ni Kate. Bigla nitong nilayo at sinabing kinakabahan siya sa gagawin ni Jerry.

Dissappointed si Jerry kasi wala naman siyang masamang intensyon dito at gusto lang niya pakita na mahal niya ito. Gusto niyang makipag-HH sana sa kanya. Hindi man lang tinupad ni Kate ang kanyang pangako nung nag-uusap sila. Wala namang magagawa si Jerry dahil sobra nitong mahal ang isa, kaya ok lang kahit masakit. Ganun talaga ang true love, handang magparaya. Kahit medyo disappointed. Wala ka namang magagawa.

After ng movie, lakad-lakad lang. Dami nang tao. Pero mula nang hindi matuloy ang napagusapan. Parang lumilipad ang utak ni Jerry at lumalabas lang sa kabilang tenga ang sinasabi nung isa. Sobrang manhid o walang pakialam lang talaga si Kate at hindi niya napapansin ung pagbabago ng aura ni Jerry. Lumipat ng mall at naglakad-lakad pa sila. Pero lumamig na ang usapan at tango nalang at tahimik si Jerry. Maski last request na picture kagaya ng sinasabi niya hindi pa rin natupad. Kinalma lang ni Jerry sarili niya. Gusto na niyang umuwi kaya hinatid niya si Kate sa exit ng mall at nagsabing gagala muna mag-isa.

Alam ni Jerry matatagalan pa bago sila magkita ulit ni Kate pero Ok lang iyon, at least alam niya na hindi ito interesado sa kanya, malaking supalpal sa mukha niya ito. Kesa sa magmukmok, inaliw na lang niya sarili niya sa pagbili ng mga bagon damit at pants. Kahit papano nag-enjoy naman siya kahit mag-isa nalang. Makakalimutan rin niya si Kate. Bago umuwi bumili siya ng cake pasalubong. Kakapagod ang biyahe at lalo na sa puso. Sinabi ni Jerry sa sarili niya. Ganun talaga ang buhay. Gusto mo pero ayaw sa iyo.

Tapos.



Pasensya na kung medyo magulo ang istorya. Believe me, kahit ayoko i-post ito. Kelangan gawin para maalis ang stress na ito. Sadyang pinalitan ang mga pangalan para itago ang totoong pagkatao ng nasasali sa kwentong walang kwenta.

0 Reaction(s) :: C1A1: Jerry en Kate