M02W01

Sa wakas tapos na rin ang unang linggo ng Pebrero at makakapag-pahinga na ako. Usual pag 1st ng week ng buwan eh busy ang inyong lingkod sa "pondo" para kahit papano may naipon na ako ngayong buwan. Ok na rin ako kahit papano nakatulong ako sa aking mga kaibigan kahit sa maliit na paraan.

This Sunday balak ng tropa na mag unwind kahit sa may amin lang, at iisa ang misyon namin - tulungan ang kaibigan namin na hanggang ngayon nangangapa pa rin sa kadiliman at hindi pa rin makapag-move-on sa mga pangyayaring lumipas na. Mahilig kasi niya sarilihin ang kanyang mga problema at hindi nagsasalita. Ma-pride din, kaya hindi namin alam kung hanggang anong tulong ang mabibigay namin sa kanya. Sana nga lang andiyan siya at hindi magdadahilan na naman ang kanyang Mom na natutulog at binigyan ng gamot. Problema talaga pag ibang network ang ka-tropa pa. Hindi kayo nakakapag-usap madalas.

Sa work, hayz, pagod as usual. Pero hindi na kasing demanding kagaya nung nakaraang buwan. Magiging Ok din ang lahat. La pa ring update sa job. Bahala na. Hindi naman ako umaasa. Basta ibigay nalang ang makakaya.

Baby, pasensya na at sobrang workaholic ng asawa mo. Hayaan mo bumabawi naman ako pag nagkikita tayo. Dami lang talaga iniisip pero gumagawa naman ako ng paraan para magkaroon tayo ng constant communication.

Hanggang sa muli. Enjoy your weekend guys!

0 Reaction(s) :: M02W01