Ok na

Sabi na eh, yung nararamdaman kong depression nung umaga, nawala na mula nang nakatulog ako. Salamat nga rin pala kina Jay at Christian. Kukulit niyong dalawa. Nawala ang dinaramdam ko kapag tayong tatlo na ang nagkakausap. Ang tatlong bugoy. Wahehe!

Nagising ako bandang alas-3 ng hapon. Nagpagising ako kanina ng 11am pero nakatulog din ako. Nag-text kaunti kina Reeks at Tsong, patawad at nawala sa isip ko na andito pala kayo for exam at hindi ko nasagot agad ang inyong tanong. Goodluck sa inyo, sana makapasok kayo rito.

Pagkatapos nun, diretso sa NetCafe. Buti may slot pa at naupo agad, grabeng multi-tasking ang ginawa ko, nagtetext while YM at FB. San ka pa. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Siyempre kumpleto na naman ang araw ko. At akin nalang iyon kung bakit. Salamat talaga at napapasaya at ang araw ko dahil dun.

Medyo Ok na rin, nawala na ang depression stage, acceptance part. Better luck next time nalang. Mas pagbubutihin ko.

0 Reaction(s) :: Ok na