Pimpols

Hayz, kahit anung facial wash ang ilagay ko sa mukha ko. Kung laging stressed out at puyat ka. Wala rin palang silbi. Hindi na naalis ang red mark na iniwan ng naunang pimples sa akin. Naging tourist attraction na siya. Tapos nung isang araw merong lumitaw sa may bibig ko sa kanan at meron sa baba ng red spot. Though nung nilinis ko nawala naman ung isa. Yung isa naman dormant naman at nagiipon lang ng magma para pumutok. Haha!

Kakapagod kasi minsan at sobrang demanding ang work kaya hindi ka man lang makapag-pahinga talaga. Kulang ang short break kasi sinisingit ko pa ang ilang extra curricular ko. Hehe! Sana nga makahanap nako ng internal job na malilipatan kasi, pakiramdam ko naabot ko na ang saturation point dito at kailangan nang umakyat sa isa pang level. Yung job na hindi masyado demanding sa production at tama lang pero nag-eenjoy ka naman. Iyon lang po sa ngayon. Sana nga hindi na dumami pa mga pimples ko. Hindi kasi bagay sa akin. Hehe!

Hanggang sa muli!

0 Reaction(s) :: Pimpols