Usual

Since bukas na ang shop sa may highway sa amin pag pauwi ko sa work. Makakapag-update na rin ako sa FB kahit isang oras lang. Kaso mabagal ang connection nina kuya, pag Globe talaga super bagal. La akong masyadong ginawa bukod sa pag check ng emails eh hanap lang ng Blogger templates.

Tanghali na ako nakatulog ulit. Barado pa rin ang banyo namin. Nakakainis talaga. Pati reception sa TV malabo rin. Pabor sa akin dahil makakatulog ako nang maayos.

Kanina pagpasok. Ewan ko ba bakit super senti ako bago sumakay sa jeep. Daming pumapasok sa isip ko. Siguro stress lang ito dahil sa dami ng iniisip na problema. Gusto kong mag-unwind pero hindi ko alam kung saan at sino kasama.

Sa sunday, baka mag bonding kaming magkaka-berks, hindi ako umaasa at ayoko mag-plano kasi hindi siya matutuloy kaya mas mabuting sa araw na mismong iyon. Bukas 1st monthsary namin. *kilig*

0 Reaction(s) :: Usual