04.26 Wallpost

Usual weekend. Finally after days na hiatus sa Facebook, nakaupdate rin ako last Saturday. Wala namang bago. Ganun pa rin. Hindi naman ako na-miss ng FB. Hindi ko rin siya na-miss. Natiis ko siya na hindi buksan. Magagawa ko ulit iyon pag naumay na naman ako. Nakatulog ako maghapon kaya gabi na rin ako nakapag-net. Maaga rin akong nakatulog after manood ng Bottomline ni Boy Abunda.

Sunday is WoW day sa shop ni Angelo. Grabe na-miss ko rin siya. Halfway na ako sa capped level kaya excited na ako pumutok ng lv.50+ ang character ko. Though hindi pa siya mayabang sa gamit puro greens at ilang blues palang. Updated naman siya sa talents at skills, kasi iyon lang ang panabla ko sa hindi gaano astig na gamit. Saka nag-eenjoy ako sa quest, salamat na lang sa guide ni Jamie sa WoW-Pro na matagal na naming ginagamit since GamePal days (miss you guys!). Excited na ako sa Storm Crow form niya. Too bad sa Outland lang siya pwedeng magamit.

Ayun tuloy pa rin ang walang kamatayang GM (group messages) ng TropaText composed of Mami Yanah, MP, Jay, Blast at ako. Hehe! Pagkabukas mo ng phone mo, baha agad ng messages mula sa kanila. Umaabot pa minsan ng 125 messages at dumadagdag pa. Masisira ang ulo ko kaka-delete minsan ng messages.

2 Reaction(s) :: 04.26 Wallpost

  1. haha. ayaw mo nun? dami mo katext? hahaah!

  2. haha. mga kakilala kasi iyon. welcome po ulit sa akin blog.