Acteamvity

Cancelled my VL for Thursday. Decided na pumasok na lang. Thursday morning ako nakauwi mula sa bakasyon sa Baguio/Sagada. Nakatulog rin after. Nanibago lang kaunti sa bahay lalo na sa klima, balik sa initan na naman. Maagang pumasok ulit as usual. Habang nasa daan binabasa ang mga tambak na messages mula sa mga tropatext patrol.

Sensya na guys at walang pasalubong, babawi nalang ako. Hehe! Super bigat kasi ng bag at baka hindi na ako makaalis niyan pag marami akong bitbit. Back to normal ulit sa pag process. Kelangan makahabol sa training days na hindi ko na-attend. Mukhang madami-dami ang updates na kailangan kong pag-aralan.

Then nagkaroon ng exam for our iniatitive program sa department ngayon. Parang pre-assessment sa aming skills. Kakatuwa kasi parang classroom ulit siya at naging teacher namin ang sup namin. Then after that ang check ng mga papers. Maraming natutunan. Then nagkaroon ng mini-meeting about company policy etc.

After that, hinati ang team into two. Team 2 ako at Juicilicous kami while sexylicious ang kabila. Movie title ang topic. Kakatuwa kasi first time ko lang ginawa ito. Medyo nakakahiya pero Ok lang dahil kami-kami lang naman ang andun. Kulit kulit ng mga kasama ko sa team. Nag-enjoy ako sa company nila at ayun nanalo nga kami. Yay! Sana nga maulit ang ganung activities. Para magkaroon pa ng bonding ang team.

0 Reaction(s) :: Acteamvity