Istey

Binigyan lang ako ng isang araw pag-isipan ang isang bagay tungkol sa aking karera. Sabi ko sa sarili ko, wrong timing naman ang mga ito. Kung kelan handa na akong mag-unwind saka naman nagsisipasukan mga ganitong event na kelangan pagisipan nang mabuti. Nakakainis dahil oras ang kalaban ko at kelangan makapag-isip ako at pagtimbang-timbangin ang mga maganda at panget na maidudulot ng desisyon na ito.

Pero nakapag-desisyon na ako at mananatili na muna ako bago man subukin ang ibang opportunities. Kung baga sa giyera maghahanda muna ako ng sapat na bala para hindi ako maubusan at may pang-backup ako kung sakali everything fails. Kahit gustuhin ko man, pero kung dahil sa pagmamadali - la rin akong mapapala. Patience is a virtue. Ika rin ni Apo Simels, there is a right time for everything. At iyon ang napagtanto ko, wag maging atat at paghandaan mabuti ang mga hamon na darating.

4 Reaction(s) :: Istey

  1. Asus.....

    *Yan na lang masasabi ko.

  2. hehe! ewan!

  3. ndi padalosdalos....tnt

  4. meganun!