Mub

Cancel ang Friday leave ko. Sa sabado ng gabi pa ako matutuloy sa pag-akyat sa Sagada. Hindi kasi pinayagan si Elias na mag leave sa Friday. Sayang ang isang araw pero Ok lang mas maganda kumpleto pa rin kami. Mauuna nga lang umakyat si Marco kasabay ni Mami Yanah. Hinanda ko na rin ang mga kailangang dalhin. Habang lumalapit lalo akong na-excite sa pag-akyat.

Halos tatlong araw na rin akong hindi nakakapag-FB. Ewan ko, tinatamad kasi ako, siguro naabot ko na rin ang satiation point ko. Wala naman akong hinahabol kasi sa gameapps ngayon. La naman ding bagong balita. Hehe! Kung kahapon masaya sa pakikipag-text, ngayon medyo tahimik. Meron lang kaunting di-pagkakaunawaan. Lilipas din ito at magiging Ok rin naman siguro ang lahat. Maaayos din ito sa paglipas na mga araw. Balak ko sana gawaan siya ng sulat dito sa blog ko kaso 'wag nalang. Mas ok na sarilinin nalang naming magkakabarkada ang isyu.

AMD, pagaling ka po ah. Wawa naman baby ko, may sore throat, ubo at lagnat. Tigas kasi ng ulo at ayaw mag medicate. Natural talaga ang gusto pero Ok na rin iyon. Water and Fruits. Buti kanina wala na lagnat niya at sore throat. Kaunting ubo nalang. Good luck po sa CS Exam mo sa katapusan. 5254.

2 Reaction(s) :: Mub

  1. kita-kits na lang parekoy!

  2. honga eh. ingat po!