Sirang Araw sa Shop

Sabi na nga ba eh, hindi ko na naman pinansin ang mga signs na nakikita ko. Pagkauwi, gustong-gusto ko na punta sa shop kaso sarado ito. Pinilit kong matulog pero hindi ako makatulog. Hanggang sa nagpunta na nga ako. Sa ganitong oras na magtatanghalian ay hindi gaano maganda ang connection nila.

Ewan ko ba, ang tanga ko at sige pa rin. Ilang minuto ring paputol-putol. Samahan mo na rin ang mga parokyanong swapang sa electric fan. Mabuti nalang hindi ganun kainit pero humid parin since tanghali na nga. Iba talaga pag sa umaga ka naglalaro, walang swapang at mabilis ang connection. Last time na itong pupunta ako dito sa ganitong alanganing oras. Wala man lang akong nagawang matino. Maski ang mga game apps sa FB apektado na rin. Nakakainis lang. Bweset!

3 Reaction(s) :: Sirang Araw sa Shop

  1. hmp..bili na kc ng sariling laptop tutal adiktus knman s net. atleast you'll be comfortable.

  2. hehe, chill;)

  3. wahehe.