Fifteen Anonymous

internet meme from Dale, pasensya na naghalukay sa old blog mo..

To the Blogger:


1. Write 15 statements for fifteen different people.
2. Post this with no names of whom you dedicated your fifteen statements to.
3. If someone asks them if it is them who you're referring to, don't answer them.

here goes the list..
 
1. Kaw pa naman ang crush ko, pero ayaw mo sa akin. Pero ok lang, kahit ilang beses mo akong pagtabuyan, sa akin pa rin ang huling halakhak
 
2. Sabi nila andito ka na daw sa Pinas, ganun pa rin ba ang signature brand mo? Kilala ka masyado sa campus. Matalino at magaling and cute pa, lahat idol ka.
 
3. Balita ko, palipat-lipat ka ng school ka. For good na ba yan? Oh baka magsawa ka na naman, pang-ilang taon ka na diyan. Baka mag masteral degree ka na. Joke.
 
4. Panay ang gala ah, daming pera ah. Stay sweet and cute pa rin. Though hindi pa tayo naguusap nang personal. Nahihiya ako eh.
 
5. Oo, cute ka. Pero hindi kita type. Pero hindi mo lang alam, sinusulyapan kita paglabas mo at bagong ligo ka pa. Haha.
 
6. Anu na bang nangyayari sa iyo. Hindi ka pa ba nakakapag-moveon sa nakaraan at nakulong na ang panahon sa mundo mo. Get a life. Walang mangyayari kung magmumukmok ka diyan.
 
7. Sa simula palang crush na kita, hindi mo lang alam madalas ako magparamdam sa iyo. Masaya na ako sa ganun. Mabuti nang hindi mo alam iyon dahil ayokong makasira ng relasyon.
 
8. Pasensya ka na kung crush ko rin ang asawa mo, ganun talaga wala akong magagawa eh. Pero salamat sa iyo marami akong natutunan. Isa ka sa mahahalagang piraso ng kabilang katauhan ko kung bakit ako ganito ngayon. Salamat sa pagiging ma-drama mo sa buhay.
 
9. Ang dami ko nang atraso sa iyo, lagi nalang ako gumagawa ng dahilan para hindi matuloy ang pagkikita natin. Pasensya na at babawi nalang ako kapag nagkita tayo.
 
10. Sorry sa lahat ng kasalanan ko, wala kang ginawa para danasin mo ang mga salitang sinabi ko dati pa. Nahihiya akong kausapin ka. Alam ko sobrang sweet mo sa akin nung magkasama pa tayo. Ako ang nagkulang at hindi nag-isip muna bago sabihin ang ganung kataga.
 
11. Alam ko may sariling buhay ka ngayon at pamilya. Salamat nga pala sa kabaitan na pinakita mo sa akin. Alam ko mali ang ginawa natin dati pero kagaya nga ng sinabi mo pareho lang tayo nagmahal pero sa maling panahon. Sana masaya ka ngayon sa piling niya at congratulations at mukhang anak mo pa ata ang nasa picture online. Sana magkita tayo one of these days.
 
12. Siguro kaya na attract ako sau eh dahil we both something in common. Alam mo na kung anu iyon. Though hindi tayo ganun ka-close, kung alam mo lang. Gusto kong mapalapit pa sa iyo. Pero "off-limits" ako dahil nagagalit na sa akin ang taong malapit sa iyo. Congratulations ulit at nairaos niyo rin ang matagal niyo nang inaantay, ang makasal at magkaroon ng sariling pamilya.
 
13. Sa tuwing dumadaan ka, ako'y napapalingon. Wala lang, takaw pansin ka kasi. Alam ko naman na gusto mong magkausap tayo pero walang dahilan at pagkakataon. Bahala na.
 
14. Ewan ko ba, anung meron sa iyo. Hindi naman siguro pisikal, pero meron kang irresistible aura na gustong-gusto. Palagi kang masayahin, pag dumadaan ako sa area mo o kaya pag nakikita ko ang participation mo pag merong event. Ituloy mo lang iyang panghahawa mo ng pagiging masayahin. Sayang nga lang at hindi kita kilala nang lubusan.
 
15. Akin ka nalang, please..

0 Reaction(s) :: Fifteen Anonymous