[O]ver-[T]ired

Mga ilang linggo na rin ang nakakalipas simula nang magka-OT fever ako. Ang tagal mawala niya, kelan pa kaya ito matatapos. Hindi na maganda nagagawa niya sa akin minsan. Kagaya nalang sa bus, fifth time ko nang nakatulog at lumagpas sa dapat babaan ko, buti nalang at walang nawala sa gamit ko. Hindi pa rin ako nakabawi yesterday at muntik na rin ako antukin, buti nalang may dala akong food at nginangata ko siya para hindi ako maumay. Baka mamaya imbes na makapag-ipon ako eh sa hospital pa mapunta iyon pag kinarir ko pa nang todo ang pag-OT.

Lalo pang nabawasan ang social life, imbes na makapag pahinga na sa Saturday morning, heto nag OT pa rin. Hindi pa ako makakatulog niyan buong Sabado at imbes na balak na mag-jogging pag Linggo minsan nakakansela tuloy. Pakiramdam ko pagod na pagod ako palagi na masarap nalang nakahilata buong araw. Sa dinami dami ba naman ng gastusin ng bahay, no choice kundi gawin talaga iyon pangbawas man lang sa mga utang na inako ko na.

0 Reaction(s) :: [O]ver-[T]ired