09.02 Wallpost

Nagbago na naman ang sleep pattern ko, since walang OT - maaga akong nakakauwi. Nakakainis nga lang kanina, mas mahaba ang time sa pagaantay na mapuno ang jeep. Gusto ko matulog pero hindi ko magawa dahil sa katabi ko na sobrang likot at kung anu-ano ang kinakalikot sa bag niya. Almost 7am na ako nakarating sa amin. Naabutan ko pa si Papa na nakahiga sa pwesto ko, kumain lang saglit then natulog na.

Palagi nalang na ala-una nang hapon ako nagigising. Past 5-6 hours naman ang tulog ko. Salamat nalang at malamig ang panahon kaya hindi gaanong istorbo ang init ng panahon, hindi rin ako nagkapantal sa batok mula sa unan na ginamit ko.

Craving for Iced-cold KoolAid, nagpabili ng yelo. Tinatamad nga lang sila na lumabas ng bahay. Pero in the end napilitan ring bumili. Busog na busog ako matapos lagukin nang paunti-unti ang isang pitsel habang nanonood ng Heroes (season 2). Medyo inabutan nang ulan habang nasa biyahe kaninang alas-6 ng gabi. Nang humupa nang kaunti, tumakbo na ako sa MRT at nakarating naman sa office nang maayos. Start ng buwan kaya kelangan mag-pondo nang kaunti para may baseline na sa buong buwan. Hanggang sa muli.

0 Reaction(s) :: 09.02 Wallpost