09.16 Wallpost

Ang saya saya ng Superstar celebration ng department. Last Monday, nagkaroon ng cookie and popcorn giveaway. Kagabi naman after ng weekly prize incentive ng Pod, nagkaroon ng Bring Me contest, nakipaghabulan pako para sa SSS ID, nabangga ko pa tuloy isa kong co-agent. In the end nanalo rin ako sa longest belt, sa laki pa naman ng tiyan ko, ewan ko nalang kung me lalaban sa 40"+ na belt ko.

Not feeling ok parin, ewan ko kung anu ito. Kumuha na nga ako ng antacid baka kasi ulcer na ito at effect lang itong pagkulo ng tiyan ko. Kaya nga ngayon panay ang tubig ko pag nakakaramdam ng pagkulo at kumakain na ako at hindi nagpapalipas ng gutom. Ang hirap hirap naman nang ganito, palaging discomfort nalang sa tiyan, pinaparusahan na ba ako sa mga kasalanan ko.

Kanina naman, nagkita kami ni Ireen aka Chunyang sa PizzaHut, get together lang since ilang years na rin kaming hindi nagkikita at nagkakausap. Kaunting usap-usap lang personal like sa karera at sa mga goals, sa lovelife kung ano na ang balita, then yung planong mga puntahan within this and the coming years.

Pati na rin ang reunion ng DES Department, pinagusapan namin, baka next month na rin at itatapat sa sahod para hindi na makatakas sila. Hehe! Kagaya ng policy, walang pilitan at kung sino na lang ang may gusto. Since may pasok pa ako, we parted ways 30 minutes before my shift. Busog at happy dahil nagkita kami ulit at nagtsikahan ni Chunyang, muling sinariwa ang Oso/Mocha days na naman.

Kakatapos lang kumuha ng free cereals sa 12/f and nagpamasahe na rin during lunchtime as part pa rin ng Superstar celebration week ng department namin. Bukas naman merong pa-bingo and videoke and sa Friday, sana makasali sa Quizzo. Hanggang sa muli.

0 Reaction(s) :: 09.16 Wallpost