BTD

Shet bored na bored ako ngayon. Pakiramdam ko Fed-up ako sa work ngayon, medyo paulit-ulit na rin kasi. Plus ang tagal dumating ng mga bago para maiba naman ang atmosphere.

Maski sa jeep kanina, nakahilata lang ako at nakabukaka, lang pakialam sa mga sumasakay sa jeep. Parang pagod na pagod na hindi ko rin alintana ang takbo ng oras. Sa MRT ganun rin, nakasandal lang din at medyo nauupo na rin, la rin naman gaanong tao kaya Ok lang din.

Usual na matao pag Biyernes, wala naman akong pakialam. Maski sa text din, kahit naka-unli, bored rin, siguro dahil hindi na rin kagaya ng dati ang masayang usapan. Lahat nagbago sa isang iglap.

Sigh, ayoko ng ganito. Huwag naman sana pagdating ng weekend eh ganito ang pakiramdam ko. Sana nga mag-enjoy ako sa mini bonding ng PS Boys bukas ng hapon. Bored to death, grabe! Ayokong mag process ngayon at gusto kong mag-doodle na lang.

2 Reaction(s) :: BTD

  1. then try doing something else...
    try to do new things..

    :d

    hmmm tanong.. talagang hilata sa jeep? naman! hahahaha amisyu kuya..

    ingat kaw lagi..

  2. amisyu too mami, oo naman. wala akong pakialam, bored ako eh!