Eleben Nayn

Wala man lang nagawa nitong weekend. Maski ang surprise na birthday ni Angelo hindi rin natuloy dahil sinumpong na naman ang loko. Kaya ang ginawa ko puro net lang Sabado at Linggo. Hindi pa nakapag-jogging dahil nakatulog kahit pa nag-alarm. Maski ang usapan namin ng friend ko sa circle hindi rin natuloy dahil naman sa pag-ambon/ulan. In short hindi nakapag pahinga at nagawa ang goal this weekend. Bumawi ng tulog Monday morning, 10 hours din iyon mula 2am to 12nn. Nagising lang ako dahil sa ingay ng telebisyon.

Pinanood sa Kapuso ang 2005 thriller movie na Kutob, galing ni Marvin sa pag potray as psycho killer na si Lemuel. Sarap gayahin ng manner ng pagsasalita at kilos niya. Thumbs up kay Direk Jose Javier Reyes kahit luma na ang movie Ok pa rin siya sa akin. Yung Urban Zone naman sa Dos, sarap din abangan dahil nakakakuha ako ng architectural/interior design idea just in case lang na makapagpapundar ako ng bahay. Kakatuwa ang mga creative designs nila. Looking forward to see more from this show.

4 Reaction(s) :: Eleben Nayn

  1. Minsan talaga'y masarap magpaka-bum sa sarili mong pamamahay, lalo na kung umuulan. Hindi lang siya kanais-nais kapag meron kang planong naudlot. So, lesson natin ngayon ay: Huwag nang magplano. Ever. hehehehe

  2. weee... di rin ako nakapagjogging.. magdadalawang araw na... bumalik ata insomnia ko...

    WV: disesse - parang tunog sakit...

  3. nagtataka ako nung una bakit eleben nayn title ng post na to...hina ng kukute ko...slow ko...nov.9 pala yun... hehehe

  4. @will
    wag magplano dahil hindi naman siya natutuloy

    @kiko
    wahaha. kainis nga eh, kulang kasi ako sa tulog kaya siguro bumawi lang ang katawan ko

    @moks
    sensya na, wala rin kasi akong maisip na title eh