2010 AMAFV-SE Reunion

After magkita-kita sa SM Fairview para bumili narin ng gift, since maaga pa that time; at la pang tao sa Elyong's pumunta muna kami sa QC Circle sa Circle of Fun dahil hindi pa kami nakakapunta dito

Siyempre ang mga cam whores, pa picture bago pumasok! Tester sa night mode ng camera haha!

Php 20 ang entrance, and Php 30 ang bawat rides pagpasok sa loob; actually parang mini-EK siya kung tutuusin dahil sa presence ng Sea Dragon na katumbas ng Anchors Away sa EK

After ng super habang traffic sa may Sauyo road (thanks Arnold!) at pagpapalitan ng kuro-kuro habang ipit sa traffic, nakarating rin kami sa Elyong's at dahil tomguts na, naghanap agad ng maoorder, sad hindi makakapunta si Mark at Dhez, pati si Lester na drawing

Hindi naman halata siguro na gutom kami enoh!

Si Puso, todo effort pa yan at galing Cavite pa para lang makasama sa reunion, ang aming hostess for the night! Thanks Heart sa pagpapaunlak at pagsama sa reunion!


Seryoso masyado at nanlilisik ang mga mata!

mga entertainer sa Japan kaso hindi nga lang nakasama sa flight (left to right, from the top - Neri, Jen, Tere, Heart and Charlene)

Syempre papahuli ba kaming mga barako, ala Ryan Bang chuva-chuchu!

After ng kainan at kantahan, exchange gift portion na. Naks, destiny talaga kami ni Raniel, kami na naman ang nakabunot sa isa't-isa, hayaan mo next time, tatanungin na kita kung anung gusto mo para hindi kna sumimangot sa regalo ko sa iyo. Haha!

Aww, ang sweet. 1st anniversary na yan. Haha!

Sinukat ko na ang regalo sa akin ni Raniel, malaking bulitas ito. *joke*, thanks sa Vacuum canister!

Bago umuwi, syempre group picture ulit. Hayz, paunti nang paunti kami kada taon dahil nasa ibang bansa ang ilan sa aming mga classmate, sana next year dumami naman tayo, consistent loyalty awardee na kaming lima sa pagpunta sa taunang reunion. Salamat ulit guys, nag-enjoy ako last night. Thanks sa updates, sa tawanan at kwentuhan. Nawa'y lalo pang tumibay ang ating samahan magkakapatid. At paguwi ni Chacha, out of town na ito! Yeah! Hanggang sa muli guys. Keep in touch! Love Yah!

6 Reaction(s) :: 2010 AMAFV-SE Reunion

  1. Gusto ko pumunta dyan!

  2. nyee, bakit naman? taga san kba?

  3. saya! hehe
    .
    .
    di ko na-gets kun ano yung gift sau ;)

  4. uy! nag cirlce of fun. hehe

  5. i love the vaccum canister pic.. haha!


    wala bang ride all you can sa circle of fun? hassle kung every ride magbabayad pa.. haha!

  6. @desole
    vacuum canister po

    @empi
    haha, trip lang

    @shenan
    haha, honga eh / mautak din enoh