Kaantok na Lunes

Hindi kinaya maski ng bagong Cobra Smart ang antok na naranasan ko kagabi. Given na naman iyon kasi whole Monday (day) eh gising ka and supposedly matutulog ka na pero since nightshift ka (magpuyat ka at bumawi nalang bukas). Halos mapikit-pikit na ako sa pag process. Last week na namin sa Team Renier and wala pang instruction kung sino at san shift kami mapupunta. Abangan nalang ang susunod na mga kabanata. Hehe!

Naadik na rin sa paglalaro ng Cityville, halos araw-araw kailangan mabisita ang progress ng town. Pandagdag na naman siya sa idleness sa Net time ko pag walang magawa. Sinabi ko sa sarili ko na gusto ko bumalik sa online gaming pero sa ngayon mukhang malabo pa rin dala na rin ng mga changes na nangyayari sa pagdaan ng mga araw. Bahala na rin siguro.

Pagkauwi kanina, hindi rin ako nakatulog nang maayos, nanood pa ng the best of Showtime. Tanghali nagising at hindi na nakatulog after. Good luck mamaya!

2 Reaction(s) :: Kaantok na Lunes

  1. Happy New Year sayo kahit pagod ka! kaya mo yan! Hehehe

  2. hehe, happy new year to you to!