Sentimyento sa Training, bagong Photocard pati na rin ang kambal na event ngayong 16 at 17

Training week pa rin, unti-unti nakukuha na namin ang process. Pero syempre mas lamang pa rin ang nauna sa amin dahil naturo agad sa kanila ang ibang functions, pero ok lang. Pasasaan ba't mamaster rin namin siya. Tingin ko sa sarili ko parang nasa RPG world kung saan nasa new island at hinaharap ang bagong mga quest at challenge sa new job ko. Kelangan matuto ng new skills to cope sa mataas na level na demand ng trabaho.

Hindi ako masyado nakikihalubilo sa ibang agents, ewan ko, hindi ko alam kung bakit. Siguro kinakapa ko muna ang personalidad ng bawat isa at obserbahan muna kung magkakaroon ba ng sync sa kanila. Pero kahit sa dayshift na ako lilipat eventually, nightshift talaga ang gusto ko and aaminin ko dahil na rin sa night diff., wala namang kumikitang kabuhayan pag umaga at since bago pa kami eh wala namang incentives. I don't want to be hypocrite na hindi ko kelangan ng pera lalo na't lumalaki na ang share ko sa gastos sa bahay at ramdam na ramdan ko iyon.

Hayz, aantayin ko pa ang sagot ni Boss Renier kung confirm ba talaga na dayshift na kami next week, kahit ayoko muna wala naman akong magagawa sa decision nila kundi yakapan nang dalawang kamay. Mami-miss ko ang mga nightshift peeps and hindi na ako "imortal" gaya ng sabi ni Mai nung dumaan sa pwesto ko.

Nakakuha na ako ng bagong Photocard and salamat nalang at pwedeng palitan ang picture dahil archaic na siya at hindi na ako kilala sa old pic ko. Kainis rin kanina, medyo hindi maganda ang yapak ng right foot ko at nagka-sprain. Mabuti at nawala na siya paunti-unti pero hindi ko alam kung babalik ba siya pag naglakad na naman ako nang matagal, huhu! Paano na ang jogging kada weekends.

Mamaya na rin ang 2010 PEBA awards sa Greenhills. Kainis hindi ko alam kung makakasama ba ako kay MP. At si Yanah ata ay isa sa mga host nito. Kung bakit kasi nagkasabay-sabay pa lahat ng mga event ngayong December. Kinabukasan naman eh aatend ako sa kasal ng officemate ko sa may Paranaque. Good luck nalang sa akin. Huhu!

0 Reaction(s) :: Sentimyento sa Training, bagong Photocard pati na rin ang kambal na event ngayong 16 at 17