Kulang kulang na reunion, Bottomline, Saradong shop, Super Junior at iba pa

2 Reaction(s)
Kagabi set date ng supposedly reunion ng Intelligraph peeps, matagal nang pinaghandaan ang event na ito. Inaasahang pupunta ang mga nag-committ. Pero sa "inaasahang" pagkakataon, apat lang kami na nagpunta at wala nang narinig sa iba, while yung iba nag-text at tumawag stating their reason kung bakit hindi nakapunta.

 apat lang kaming nagpunta sa engrandeng reunion

Though Ok lang naman, sayang lang kasi ang pagkakataon at magiging busy na ang lahat sa November to December sa mga Christmas at Yearend parties. Mahirap mag-organize at hindi ako umaasa na magkakaroon pa nito sa ilang mga taon kung sila sila mismo ayaw pumunta dito. Kung sino nalang ang makakasama at walang pilitan ang palagiang theme.

Ako, si Nap, Tina at Marlyn lang ang nagkausap-usap at reminisnce sa mga past events and experience namin sa kumpanya nina Oso at Mocha, pero sa totoo lang kahit strikto at medyo tinitipid nila ang empleyado nila. Masaya kami at walang kakikitaan ng inis at inggit sa bawat isa. Parang magkakapatid na kami rito at though kung meron mang kaunting tampuhan, nareresolve agad siya and at the end of the end, balik ulit ang tawanan ng grupo. Masaya kaming nagkakainan pag lunchtime, mga kwentuhan at asaran habang nasa work. Basta sa ngayon, hindi matutumbasan ang experience ko sa Intelligraph.

Napagusapan rin na ang susunod na meetups sa mga free eh sa Caramoan Island sa bandang Naga. Ginanap dati ang Survivor Sweden at yung Next Survivor US ata. Super ganda daw dun sabi ni Tina dahil last September lang eh andun sila. Malalapit lang ang mga isla at pwedeng lakarin daw pag low tide na lalo. Nakakatuwa naman kasi gusto naming i pattern sa said reality show at mag-aala survivor talaga kami. Kelangan paghandaan ito dahil hindi basta biro ang budget para dito at mag file na ng leave next year. Kanina lang sabi ng friend ko na imbes na Penafrancia ang sakyan eh mag Raymond Bus daw kami dahil merong diretsong byahe na doon. Either January or March ang plano namin depende parin sa itatagal ng taping ng Survivor US.

Umalis na kami sa Chef D Angelo by 10.30pm dahil malayo pa ang byahe namin. Ok naman ang food dun kaso masyadong maasim dahil na rin siguro sa kamatis at Italian style nga talaga. Sina Tina at Marlyn dumaan muna sa Shaw at si Nap nagpasundo sa parents niya. Buti at naabutan ko ang last trip sa terminal at ilang minuto pa eh bumiyahe na rin. Hindi ko na naabutan ang buong show ng Bottomline, kainis nga eh. Siguro panoorin ko nalang pag merong uploads na nito. Nakatulog rin ako agad dahil na rin sa pagod siguro. Kahit apat lang kami, enjoy naman kasi maraming past events ang naalala at napagusapan pa ang next trip.

Kinaumagahan naman, hindi na ako nakapag-jogging, kainis nga eh, baka bukas nalang siguro sa Undas mismo. Alas-9 na ako nagising, akala ko naman maaga rin magbubukas mga shop sa amin at take advantage ang weekend. Nag-antay lang ako sa wala hanggang sa tanghali at wala ring balita. Nitong hapon nalang ako nakapag-net. Kainis hindi ko alam kung laptop ba o DSLR ang bibilhin ko bilang gift sa sarili ko.

Katuwa naman ang mga dancing inmates na sumasayaw ng Sorry Sorry by Super Junior. Sir Rye kailangan kapag may team dance competition, eto ang sayawin natin at todo costume. Heto nga pala ang video dedicated sa supervisor kong Die Hard Super Junior Fan.


-Super Junior "Sorry, sorry" MTV


-Dancing Inmates version of Sorry, sorry!

He Says

3 Reaction(s)
"Before I came into a conclusion that my past is already a part of either a good or a bad memory, I didn't keep my moral in a high ground. I kept on raking and raking all over again and even hurting other's feelings- rebounds. I even cheated to my own self. I pretended that everything is ok– accepted and moved on, which I found out that I am just making a big lie."
-Acceptance, Doc Mike's Secret Inhibitions

10.30 Wallpost

2 Reaction(s)
Super antok na weekend, hindi na ako nakatulog nang maayos samahan mo pa nang palagiang kong pagpunta sa Heart Center (oh EmPi tumigil ka dyan. hehe). Nakakapagod at ayaw ko na maulit ang ganitong eksena.

Patapos na naman ang buwan. Hello sa November. Wala paring pagbabago sa akin, same boring life pa rin samahan pa ng ka-emohan. Great! Buti nalang enough pa ang coping resources ko and keep on diverting sa mas makabuluhan na activities.

Kanina lang just got my passport, pina deliver ko na kesa naman bumalik pa dun. Yay! Saka mamaya may reunion ng Intelligraph staff which was spearheaded by yours truly with Irene aka Chunyang, sana maraming makapunta.

Have a long, scary weekend everyone!

Star Ocean: The Last Hope (OP)

0 Reaction(s)
possible glimpse of the future, as portrayed from the Star-trek based  video game..




-Offical Trailer, 2009

She Says

0 Reaction(s)
Minsan ayos lang na makisabay ka sa agos, makiayon sa direksyon ng hangin, pero may mga pagkakataon din na dapat idirekta natin, may mga pagkakataon na kinakailangan nating gamitin ang pisi ng saranggola ng buhay natin para mas maging matayog pa ang ating lipad.
-Saranggola, Yanah's Life is a Twitch

Teh Fifth Stage

4 Reaction(s)
To you know who you are but I don't know if your still reading my blog,

Matagal ko na dapat sabihin sa iyo ito mga ilang araw na pero alam mo na naman ang sabi ko dahil nag-text ako sa iyo as followup sa sinabi mo. Nag-message ka sa akin, nagtatanong ka kung ano ang dapat mong gawin o piliin. Sa past mo begging for you to come back or sa present na masayang kumakaway at sabik na mayakap at mahalin ka. Parang nasa dalampasigan ka naglalakad at hindi alam kung sino ang lilingunin.

Kung ako ang tatanungin mo, mas makabubuting doon kanalang sa ngayon at makapagsimula ulit kesa bumalik sa dati mo na nagkaroon na ng lamat ang inyong relasyon. Maging sa pakikipagkaibigan ay medyo malayo rin dahil andun pa rin kahit kaunti ang naiwan mong pagmamahal sa kanya. In the end, kung ano ang makakapagbigay sa iyo ng kapanatagan sa isipan at makakapagpagalak ng iyong puso eh doon ka.

Pasensya na kung hindi nag work ang relasyon natin at mauwi sa ganito. Paulit-ulit kong sasabihin na ako ang may kasalanan at ako ang bumigay. Hindi dapat sinasaktan ang mga taong kagaya mo na sobrang bait at walang ginawang masama. You deserve someone na kagaya mo rin at alam kong nahanap mo siya. Hangad ko ang kaligayahan niyong dalawa, at iginagalang ko ang desisyon mong hindi banggitin ang kanyang pangalan.

Alam ko may galit pa sa iyong puso, napupuna ko iyon sa paraan ng pagsagot mo sa text. Kaya minabuti kong putulin na ang komunikasyon upang huwag ka nang mahirapan pa at mawala na yang pagiisip mo. Wala akong hangad ngayon kundi maging masaya ka, hindi man ngayon pero sa pagdaan ng mga buwan hanggang sa ilang taon, mahingi ko sa iyo ang kapatawaran mula sa puso. Hanggang dito na lamang at mag-iingat ka palagi.

Hospital Trip

2 Reaction(s)
Lang basagan ng trip, maiba lang imbes na sa mall ang puntahan eh sa Hospital nitong nakaraang weekends. Sinampolan ang East Avenue at Philippine Heart Center, gala lang sa vicinity ng dalawang hospital. Perception ng ibang tao kasi pag sa  hospital eh daming namamatay, nakakatakot, prone sa sakit at parang mabigat ang hangin.

Though matao nga siya lalo na pag sa public hospital. Normal lang naman ito. Syempre hindi ako nagpunta ng gabi dun, mamaya may maramdaman pa ako hehe. Kakatakot lang ang ibang area na madilim at hindi madalas dalawin ng tao, tapos meron pa akong nakita may barricade na parte ng stairs at bawal daanan. Naiisip ko tuloy ang mga horror movie flicks dito.

Since hindi ko rin alam ang blood type ko, nagpakuha na rin ako. Ilang minutes lang inantay ko at ayun, B+ ako.

Top Five Regrets of the Dying

4 Reaction(s)
For many years I worked in palliative care. My patients were those who had gone home to die. Some incredibly special times were shared. I was with them for the last three to twelve weeks of their lives. People grow a lot when they are faced with their own mortality. I learned never to underestimate someone’s capacity for growth. Some changes were phenomenal. Each experienced a variety of emotions, as expected, denial, fear, anger, remorse, more denial and eventually acceptance. Every single patient found their peace before they departed though, every one of them. When questioned about any regrets they had or anything they would do differently, common themes surfaced again and again. Here are the most common five:


1. I wish I’d had the courage to live a life true to myself, not the life others expected of me.
This was the most common regret of all. When people realise that their life is almost over and look back clearly on it, it is easy to see how many dreams have gone unfulfilled. Most people have had not honoured even a half of their dreams and had to die knowing that it was due to choices they had made, or not made. It is very important to try and honour at least some of your dreams along the way. From the moment that you lose your health, it is too late. Health brings a freedom very few realise, until they no longer have it.

2. I wish I didn’t work so hard.
This came from every male patient that I nursed. They missed their children’s youth and their partner’s companionship. Women also spoke of this regret. But as most were from an older generation, many of the female patients had not been breadwinners. All of the men I nursed deeply regretted spending so much of their lives on the treadmill of a work existence. By simplifying your lifestyle and making conscious choices along the way, it is possible to not need the income that you think you do. And by creating more space in your life, you become happier and more open to new opportunities, ones more suited to your new lifestyle.

3. I wish I’d had the courage to express my feelings.
Many people suppressed their feelings in order to keep peace with others. As a result, they settled for a mediocre existence and never became who they were truly capable of becoming. Many developed illnesses relating to the bitterness and resentment they carried as a result. We cannot control the reactions of others. However, although people may initially react when you change the way you are by speaking honestly, in the end it raises the relationship to a whole new and healthier level. Either that or it releases the unhealthy relationship from your life. Either way, you win.

4. I wish I had stayed in touch with my friends.
Often they would not truly realise the full benefits of old friends until their dying weeks and it was not always possible to track them down. Many had become so caught up in their own lives that they had let golden friendships slip by over the years. There were many deep regrets about not giving friendships the time and effort that they deserved. Everyone misses their friends when they are dying. It is common for anyone in a busy lifestyle to let friendships slip. But when you are faced with your approaching death, the physical details of life fall away. People do want to get their financial affairs in order if possible. But it is not money or status that holds the true importance for them. They want to get things in order more for the benefit of those they love. Usually though, they are too ill and weary to ever manage this task. It is all comes down to love and relationships in the end. That is all that remains in the final weeks, love and relationships.

5. I wish that I had let myself be happier.
This is a surprisingly common one. Many did not realise until the end that happiness is a choice. They had stayed stuck in old patterns and habits. The so-called ‘comfort’ of familiarity overflowed into their emotions, as well as their physical lives. Fear of change had them pretending to others, and to their selves, that they were content. When deep within, they longed to laugh properly and have silliness in their life again. When you are on your deathbed, what others think of you is a long way from your mind. How wonderful to be able to let go and smile again, long before you are dying. Life is a choice. It is YOUR life. Choose consciously, choose wisely, choose honestly. Choose happiness.


This article was written by Bronnie Ware

Razor Power Gaming Suite

0 Reaction(s)

click here for details

He Says

3 Reaction(s)
I loved MB.  I still love MB.  That has and will never change.  But today, as I write this, with tears running down my cheeks, it's time to bid adieu to the one chapter of my life that gave the meaning to my existence.
-4TH, Dark Knight's Teh Love Room

Bottomline

4 Reaction(s)

Kagabi napanood ko ang special edition ng Bottomline with Boy Abunda, nakakatuwa kasi instead na ibang celebrity ang nakasalang sa hot seat eh ang mismong host nito ang nakaupo at ang panel of interrogators eh ang mga tao sa war room mismo.

Kung makakakuha lang sana ako ng video from the said program o kaya transcript eh ilalagay ko siya rito. Marami akong natutunan kay Boy kahit sa Part1 palang iyon ng diskusyon. Ang kanyang struggles sa buhay, how he loves his "Nanay" and reminisce his life with "Tatay" naman and his "27 year relationship" with his partner Bong. Hanggang sa mga achievements niya, stand sa isang issue at kung anu ano pang natanong nila na sinagot ni Boy nang buong conviction.

Excited na ako para sa Part2 ng conversation nila at sana kapulutan rin ng inspirasyon ng ibang tao.

Thanks nga pala Aldo for the link of the video. Guys, just click here.

Nawiwilie

4 Reaction(s)

Kakatapos lang panoorin ng new gameshow starring Willie Revillame. Natuloy rin ang program after so much of derail from Kapamilya. Pinakita ang timeline nito mula sa pag-alis nya, sa pagfile ng kaso sa kanya hanggang sa paglipat niya sa Kapatid.

Yung opening theme, medyo nakakahilo at ang dami ng tao. Hindi na sila magkasya sa stage, hehe! Sabik ang lahat na makita si Willie. Andun rin ang mga bigating executives ng TV5 pati na rin sina Sen. Villar, anak nito at ilang mga artista. Mukhang sobrang init ng place at nagtanggal pa ng coat si Willie at pawis na pawis. Maski si Senator nakita ring nagpupunas.

Ok naman ang mga games na pinalabas. Kaunting tuning nalang sa paraan ng pag-exit ng mga players at sa likod nalang sana sila pinadaan. Nakakaaliw din mga ito, kakatawa yung putukan ng lobo. Andun pa rin ang flagship format na willie of fortune kung saan kinukuwento ang buhay ng mga contestant at mga struggles nito.

Hindi ko lang alam kung tama ba ang desisyon nila na ilagay sa ganung oras ang programa nila. Oo nga at sawa na tayo sa drama at mga patayan. Pero hindi lang naman iyon ang inaantay ng mga tao na marinig sa balita. Gusto rin nila malaman kung merong paparating na bagyo o kaya anung sakuna ang nangyayari. Kaw ba manonood ka pa kung alam mong kelangan malaman mo ang aktwal na taya ng panahon kung san siya patungo upang mapaghandaan ito.

Well tingnan natin kung mapapabago niya ang viewing habit ng mga Pinoy lalo na't nakasanayan na natin manood ng balita sa ganitong oras kahit pa sabihin mong nakakasawa na siya at paulit-ulit minsan. Pwede namang ilipat siya sa tanghali, pero hula ko eh sinusubukan lang nila at experimental ang oras na ito kung kakagatin ng tao and eventually malilipat rin siya.

Nevertheless, Congratz kay Willie sa kanyang bagong program at sana makatulong pa siya sa mga mahihirap at makapag-bigay saya sa mga manonood nito. Mabuhay ka Willie!

She Says

0 Reaction(s)
“I will live with my sorrow, I will live my own life! I will defeat sorrow in his place. I will stand my ground and be strong. I don’t know when it will be but someday, I will conquer it. And I will do it without false hope.”
-Yuna,Final Fantasy X

Magkaibang Mundo - Hale

3 Reaction(s)



Magkaibang Mundo
Hale
Kundiman

Hindi ba tayo magbabago
Napagod na sa pakikibaka
Ba’t di kaya tayo magkasundo-sundo
Dumagak ang mga luha
Nilipas na ang panahon
Sugat na tila’y walang hapdi

Chorus:
Nasan ka man ngayon
Sana’y mabuti ka
Magkaibang mundo
Sana’y maisip mo
Ako…
Ako…

Tuloy ang awit sa ilalim ng tala
Unti-unting maaabot
Pagsapit ng dilim aking hiling
Kung di man masilayan
Tamis ng kahapon
Sumpa ko na aking itatanim

Repeat Chorus

Bridge:
Walang balakid
Walang makakapigil
Ang iyong pangalan
Sigaw ng damdamin
Hindi alam kung saan tutungo
Kung wala ka

Pod Darwin Spooktacular Recognition Event

4 Reaction(s)
theme of the event

the host - Boss Darwin and Chai-ho

Team Rye (Snowhite and the "Eight" Dwarfs theme)
Team Sam (Angels and Demons theme)

Naks, parang Santino! 

He Says

6 Reaction(s)
"Eto na naman ako isang bato isang batong nakahimlay sa dalampasigan laging nakatingin sa lawak ng dagat laging nangangarap na balang araw ay marating din ang mga narating niya laging umaasang balang araw ay dalhin ako ng alon sa ibang lugar at sumabay sa sayaw ng pag-agos ng buhay eto na naman ako, nangangarap. pero eto nga ako. isang bato. mabigat. matigas. hindi makagalaw. at hindi tulad ng dagat na madaming nagagawa, ako na isang bato ay hindi man lang kayang lumuha."
-"Eto Lang ni gab caraon" via Multiply

Moling, Stroling, Galamowd, Basar at si Juan

4 Reaction(s)
I want to treat myself kaya naman nagpunta ako nang mall, ito na nga lang ang natitirang social life ko amidst sa walang kabuhay-buhay na shift samahan mo pa ng stress sa work at sa mga kasama. Unwind kahit papano at parang therapy na rin kasi sa akin ang window shopping pati na sa grocery section. Maganda ang panahon, hindi bakas na nasa signal#1 na ang Metro Manila nung araw na iyon. Tanghalian na ko nakarating sa Mega, finale pa ng 3-day sale nila kaya hitik na hitik sa dami ng tao. At first naisipan kong magpunta muna sa Rob Pioneer pero naaalangan ako dahil iyon lang ang sadya ko dun at nakakatamad.

Pagpasok ko sa mall, department store agad ako - nakakainis lang nakailang akyat baba ako sa pagtatanong ko saan ang shoe section. Kung bakit kasi merong namang signs sa escalator at hindi marunong bumasa. Tumingin-tingin sa men's shoe section, bumaba na nga ang price nung balak kong bilhin pero nagdalawang isip rin kasi parang gusto ko naman ng bago at hindi kagaya ng dati na pinalitan mo lang ng kulay. Gusto ko rin kasi multi purpose ang siya, pwedeng pang casual at running at the same time since minsan nag jogging ako at kung may events na sasalihan. Magaling mag sales talk si kuya, sinagot nya lahat ng tanong ko at doubt regarding dun at binigyan pa ako ng tips sa pagaalaga nito. Gusto ko sana black ang lining pero ok na ang silver at hindi naman siya halata. After rin bumili ng extra socks and undershirts. Nagbayad na at nag fillup ng coupon, malay natin at manalo ako sa raffle.

Gumala muna saglit sa ibang section kung sakali baka may makursunadahan para next sahod eh kung andun pa eh mabili na rin. Nagutom bigla sa paglalakad at nangalay na rin siguro ang paa. Sinubukan munang umakyat sa Megatrade Hall baka sakali merong interesanteng puntahan. Nakita ko nga na may health and wellness event at free entrance pa, so i grabbed the opportunity and sinubukan na rin kung anung itsura nito sa loob. Usually kasi pag sa Megatrade either may cosplay or game event yung pinupuntahan ko kasama ang PS boys. Pero this time, solo flight mode.

Ok naman siya at pagpasok palang marami na akong nakikitang interesante na mga freebies. Naging curious sa myoskeletal technique nila, hindi pa kasi ako nagpapa-checkup kaya hindi ko alam kung related ba siya sa dinaraing ko ngayon na sa tuwing nakaupo ako at nagsisintas eh sumasakit ang lower back ko, i dunno kung lumbago ba ito or iba na. Siguro sa susunod na mga araw kailangan ipatingin ko na ito. Meanwhile, sinubukan ko ang free back massage nila, since free trial lang ito nabitin naman ako. Pagiisipan pa kung itutuloy ko itong therapy na ito sa kanila pero kailangan magpatingin muna ako.

Patuloy ang pagliwaliw sa mga stall, may free taste ng herbal tea with fruit flavors, mga grasswheats pati na rin ang mga cold tea beverage. Napadaan bigla sa kumpol ng mga hapon, tinanong ako kung gusto ko try and go naman ako, "Shumei" ang tawag sa philosophy nila at founder nila si Meishushama. Pinaupo niya ako, with arms rested sa hips. Pumikit ng 5minutes. Habang siya parang may ritual na nag transfer ng energy or act as medium para ma clear ang spirit ko ng toxins. Mahirap siya kausapin kasi hirap siyang mag English kaya after nun eh umalis na rin ako at nagpasalamat.

Then nagpalista rin ako sa Nugabest, nag-antay saglit dahil 10 minutes ang free trial nila. Lagi ko siyang nakikita sa mga ads pero first time kong mag-try. Akala ko nga dati eh parang ointment or medicine siya na kailangan i-take, iyon pala eh parang machine siya na me mga heated stones na iyon ang magsisilbing theraphy mo. Kwentuhan at biruan pa kasabay ni Kuya na katabi ko sa bed. Mainit sa pakiramdam siya at gumugulong ang mga stones mula sa head down to lower back mo kasama pa nito ung handle na pwede mong ilagay kung sang part ng body mo na heal niya.

Napadaan once dun sa may live blood analysis, curious rin kasi ako. Nagtanong at nagbayad for the materials na gagamitin nila. Kinuhaan na ako ng blood sample, nilagay sa microscope, kumuha si kuya ng paper na may diagrams ng mga blood abnormalities. Pinaliwanag niya sa akin mga nakikita ko sa screen. Red blood cells nag-clump siya, white blood cells naman hindi siya gumagalaw na supposedly free flowing at malaki. May presence ng uric acid merong crystallized at merong long strands din along with cholesterol. Syempre magiging alarmed kasi may warning na ang blood ko na hindi na healthy ang lifestyle na ginagawa ko. Kelangan mag alkaline water dahil acidic ako, fruits at green leafy veggies para sa dugo.

Tumingin-tingin pa rin sa paligid ng mga stalls, nagpamasahe na rin gamit ang malunggay oil sabi ni are sa akin kailangan basahin yung nabubuo sa back ko at isang overhaul ang kailangan, testing ng iba pang products hanggang sa umalis na rin ako para tuloy ang paggala sa mall, left and right nilibot. Tumingin rin sa art gallery, mga memorabilias. Gusto ko nga sana kumain pero after nung mga advice ni kuya sa akin regarding fatty foods, hindi na ako tumuloy kahit gusto kong try ang twister fries that time. Nag settle nalang ako na kumain ng bread pati na ang fave ko tuna turnover sa French baker.

Tumingin kung anung movie ang palabas ngayon, Hole yung Horror genre then na-astigan naman ako sa "Red" movie ni Bruce Willis kasama ang mga tanders na old but terrible pa rin. Dumaan rin sa Cyberzone paraq tumingin ng mga gadgets, sa BioResearch sa mga new breeds of pups nila.

Shet talaga nung tipong gusto ko nang umuwi, saka naman bumuhos ang malakas na ulan. With matching pang pagkalito kung saan ang malapit ang Shaw kung san Bldg A o B ba. Hehe. Tanga talaga.Sinuong ko tuloy ang slight rain at tumawid papuntang Shaw, samahan mo pa na hindi gumagana ang escalator, kainis talaga. Pawis mode na naman sa pag-akyat, tapos marami pa akong bitbit. Supposedly, mag roundtrip ako pero tama ang nasakyan ko at Northbound siya. Buti nalang at hindi masikip.

Patuloy pa rin ang pagulan hanggang sa Quezon City, mga alas-6 na iyon ng gabi. Antok na rin ako at pagod na ang paa ko sa kakalakad. Sumakay na rin sa jeep terminal at buti nalang malamig ang hangin niya. Nakauwi na ako sa amin bandang alas-7 ng gabi. Andun si Papa at pinatikim sa akin ang experiment niya, kala ko naman kambing, tuna at salted eggs siya, masarap siya at marami akong nakain.

Pahinga ng ilang oras, nanood pa ako ng Misteryo, hindi ko na naman nasimulan as usual. Pero sa lighthouse ang katatakutan. Naalala ko na naman ang lighthouse sa Cabra at hawig siya nito dahil lumang model na panahon pa siya Kastila na ginawa. Nakatulog sa sobrang pagod at hindi ko na nailigpit ang dala dala ko.

Mishka the talking Husky

0 Reaction(s)


Thanks Mishka, kahit stressed out ako for the whole week, mapanood ko lang mga video mo nawawala at napapasaya mo ako. Anyway, eto po ang mga links ni Mishka the talking husky.

Youtube Channel / Youtube Fan Club / Facebook Page

He Says

4 Reaction(s)
"Tuliro ako nun, at pagsakay ko ng bus unti unti nanaman pumapatak ang luha ko. Habang tina type ko ang blog na ito ay hindi ko mapigilang umiyak. Mahal ko talaga siya pero sana makapag move na ako, I can't let her go pero gagawin ko kasi yun ang gusto niya at dahil mahal ko siya.

I feel shattered into pieces hindi ko alam kung sino ang pupulot sa akin para gawing buo uli ako. Iniwan ako sa ere at binitawan ng basta basta nalang.

Lahat ng pagmamahal ko ibinigay ko sa kanya, kahit alam kong nag mumukha na akong tanga sa ginagawa ko. Sakripisyo na nauwi lang sa lahat, lahat ng inivest ko na kahit kalahati man lang ng pagmamahal ay hindi nya na kayang ibalik. Ganun pala yun no?, mapapagod at mapapagod ka rin lalo na kung ikaw nalang ang lumalaban para sa inyo at hindi na kayong dalawa.

Alam ko makakaya ko rin ito at matatagpuan ang babaeng para sa akin. At hanggang mahal ko siya kung babalik man siya sa akin ay tatanggapin ko siya ng buong buo hangga't wala pa akong minamahal na iba."

-Angel has flown away from me, Jefford's I Shoot. I Blog. I Play

Adap Adap en Adap

4 Reaction(s)
Daming pagbabago nangyayari sa office. Wala talagang permanent dito. Eto gumagalaw na naman ang aming seatplan. Moving counter-clockwise kami sa floor na ito.After this recent movement, sa December gagalaw na naman kami. Mamaya nasa dulo na kami at aakyat na siguro sa 14/F. Nakakapagod ang paglilipat at re-orient ang sarili mo sa bagong pwesto.

This week rin, naging emosyonal at kumprontasyunal ang ilan sa aking mga kasama sa function, dahil sa isang issue na ako involved ako at nadala rin ng aking emosyon. Hindi na ako magsasabi ng kung anumang detalye, pero nabago nito ang pakikitungo ko sa iba at sila rin sa akin. Ika nga ng kakilala ko, "Less talk, less mistake", wag nalang magsalita kung wala namang magandang sasabihin. Oh well, nangyari na iyon at nakalipas na, harapin nalang ang consequences na naidulot nito. La namang magagawa kundi harapin ito at tuloy pa rin ang buhay.

Halos 3-4 oras lang din ang tulog ko ngayong linggo, usual na dahilan. Kaingayan sa bahay o kaya naman nagluluto na nagigising ako sa amoy. Maaga akong matutulog pero tanghali naman nagigising at hindi na nakakabawi ulit sa tulog. Senyales naba ito na kelangan ko nang bumukod para rin sa aking sarili? 28 na taon na ako pero heto andito pa rin ako sa bahay namin na halos dalawang oras ang byahe papunta sa trabaho. Nakakapagod, yung oras mo na ipapahinga na nga eh nasa byahe ka pa. Hindi pa kasi ako makapag-decide dahil meron akong mga event na inaantay na mangyari or yung outcome nun na maaring magpabago sa aking desisyon tungkol sa pagbubukod. Ika nga ni Champ ng Hale, "Sandali na lang, kaunting panahon..".

Been thinking, ilang buwan na rin akong semi-retire sa gaming world, planning to make a comeback pero not sure kung anung MMORPG ang lalaruin ko. Miss ko na ang WoW private server, ang aking tauren druid ang aking friend na hindi ako iniiwan at handang umintindi sa akin kahit kinokontrol ko lang siya mula sa keyboard at mouse. Kung wala lang akong mga gastos sa pamilya, malamang me sariling PC na rin ako at naglalaro nito, kaso syempre unahin muna sila bago ang sarili. Tanong ko naman, hanggang kailan naman akong ganito, ilang taon na pero wala pa ring napupundar. Kelan ko naman kaya iisipin ang sarili ko? Susumbatan na naman ako na walang utang na loob kapag hindi ko sila tinulungan, paano na sila pag wala ako. Ang daming tanong at iniisip. Nakakapagod.

Maski sa larangan ng pag-ibig, nakakapagod na rin. Ilang siklo na rin ng breakups ang naranasan. Kaunti nalang at papalya na itong makina ng aking puso. Hindi na ata ito makukumpuni pa. Parang preso na nagbabayad ng sentensya sa kulungan, nagaantay kung kelan bibitayin para matapos na ang lahat ng kalokohang buhay ito. Kagaya ni Mami Yanah, pasensya na kung magulo ang post na ito, sinusulat ko lang kung ano ang pumapasok sa isip ko sa oras na ito.

Final Fantasy VII Opening Theme

0 Reaction(s)

-the past (PSX)


-the future (PS3 Technical Demo)

Leap of Faith - Hale

3 Reaction(s)



Leap of Faith
Hale
Hale Above and Beyond

Another day, another normal day
And this is my head start
Stuck for an hour
Gone by the minute
I thought I saw a spark

A leap of faith so unexpectedly
I never saw you coming

I'll be going home, home
And I'll see you soon
Go, nice to know you
When will I see you again

Is this our fate
Where do we go from here
It's hard to fall apart
I'll take my chances
And try to make it happen
I'll let you keep my heart

A leap of faith so unmistakable
And this where we'll start

I'll be going home, home
And I'll see you soon
Go, nice to know you
When will I see you

A leap of faith so unmistakable
And this where we'll start

I'll be going home, home
And I'll see you soon
Go, nice to know you
When will I see you

Letting Go of Understanding: Deeper Meanings

2 Reaction(s)
Sometimes we are not always meant to know the deeper meaning of certain occurrences and need only move forward.

All of us who seek to be conscious and aware regard our experiences as teachers, and we try to discern what lessons we are learning from the things that happen in our lives. Sometimes the lesson is very clear from the get-go, and other times we have to really search to understand the deeper meaning behind some event. While this search often yields results, there also comes a point in the search where what we really need to do is move forward. It is possible that we are not meant to know the deeper meaning of certain occurrences. Answers may come later in our lives, or they may come as a result of letting go, or they may never come.

We are all part of a complex system of being, and things work themselves out in the system as a whole. Sometimes we are just playing a necessary part in that process with a result larger than we can understand. It may have very little to do with us personally, and while that can be hard to understand, it can also free us from over thinking the matter. Sometimes it is best to see it in terms of karma, a past debt we have been able to repay in this way, or as the clearing of energy. We can simply thank the event for being part of our experience and let it go. This completes the process that the occurrence has made possible.

To make this letting go official, we can perform a ritual, make a final journal entry on the subject, or sit in meditation with the intention of releasing the event from our consciousness. As we do so, we summon it one last time, honoring it with our attention, thanking it, and saying good-bye. We then let it go out the door, out the window, out the top of our heads, or into the earth through the bottoms of our feet, liberating ourselves from any burden we have carried in association with it.

-vince's notes via Facebook

Tang*** moments

3 Reaction(s)
Nung nasira ang aking DVD player, walang umaamin sa bahay at sinisisi pa ang brownout. Paano na ako makakapanood nito, bwisit talaga. Ayusin nila yan, maski ang Colby kong isa nasira din daw, palibhasa alam nilang bibili ng bago kaya ganyan sila. Magdusa kayo.

Kakapeste rin ang mga miron pag nag-net ka. Bwisit na bwisit ako, lalo na mga batang yan, one of the reason why i fuckingly hate toddlers, pasensya na pero kung pwede lang makasakit sa mga yan, tatadyakan ko pa yan nang walang tigil, brutal na kung brutal, ayoko sa lahat ang nanonood pag nag Internet ako, mga nyemas kayo.

Pagaantay ng sobrang tagal, na tinubuan ka na ng ugat sa paa. Ako aminado akong late pero hindi tumatagal ng isang oras. Handa akong mag-antay nang ganung katagal pero beyond that. Bullshit, tigilan nyo ako. Mas mabuti pang wag nyo na akong kitain o kaya magbigay ng time tapos hindi naman makakapunta or magbubukas ang shop, kakapang-init ng ulo. Tagal tagal mo nagaantay na mukha ka nang tanga sa lugar na iyon.

Ayoko rin ng inuutus-utusan ako kung kaya mo naman gawin iyon. Magkukusang loob ako na gagawin iyon para sa iyo, pero kung demanding ka, papatulan lang kita at lalong aasarin. Magkaasaran at sakitan na. Hindi moko pakain para utus-utusan mo lang.

Wawa Adventure (Reloaded)

6 Reaction(s)
malinis na batis away from the main river

mini falls sa dulo ng batis, hindi na ako lumusong kung malalim ba siya

view from above, buti nalang merong stairs sa kaliwa

hindi ko nga alam, bakit kinunan ito; maiba lang

one the few mountains that nestled Wawa river, at the southern tip of Sierra Madre mountain ranges

one of the almost century old trees that got rooted at the banks of the river

breathtaking view of the twin mountain where the legend of Bernario Carpio supposedly happened

isang banka, 'nuff said

picture ulit matapos tumawid sa ilog

a mighty mountain that stood at the heart of Wawa Dam

i don't know kung part siya ng control valve nung gumagana pa ang dam before it was decomissioned last 1920s, tatlo ang butas na ito malapit sa dam structure at ito ang pinakamalalim, nakakalula pag sisilipin mo siya, sana tinakpan na ito dahil baka merong mahulog at mahirap pa namang makalabas dahil masikip at rusted na ang akyatan niya

ruins at the dam, more than a century right now

syempre, hindi mawawala ang senti/emote moments

scenic view of the dam, since tag-ulan na malakas ang agos at bawal maligo sa baba

makes me wonder kung paano nalagay mga ganitong huge rocks sa baba ng dam, or dati siya mountain na nabiyak dahil sa action ng erosion and water na mismo

what lies beneath..

paths that lead to the Dam

Usual scene

0 Reaction(s)
Sunday morning. Jogging time. Kahit paputol-putol ang sleep ko kagabi at ilang beses rin nabitin ang mga ka-text ko sa pagrereply ko. Hehe. Pasensya naman. Hindi ko alam bakit hindi tuloy tuloy ang tulog ko, bandang ala-una akala ko nga eh umaga na, pasara palang pala ang tindahan.

Nakarating sa school oval by 5.30am. Madami nang nag jogging. Teh usual yung mga nakikita ko dun. Si Mang Floro at ang mga katoto niya na mga officer ng Montalban Joggers club. Kababata ko kasi mga anak niya at magkapitbahay lang kami nung nasa San Jose pa ako, kagaya na rin ni Mang Mar pero hindi kami ganun ka-close, kapitbahay naman siya ng tita ko dati.

Si manong na mataba, na same street lang nung nasa San Jose pa ako, yung lane ng mga mayayaman sa bandang south ng F. San Juan, katabi nina Mam Evangelista (retired teacher - Grade 6 teacher ko sa Filipino). Si kuya na maporma, kursunada ko ang brown jacket niya at yung signature na jersey shorts niya, buti pa siya may buhok ako wala. Huhu! Si kuya na may Bryant 24 sa shirt, naaalala ko pa dati yung dati nyang shorts na sobrang luwag na kailangan galaw-galawin pa niya ito, buti nga at napalitan na niya.

Si ate Mario red shirt with matching pink pants, this month ko lang napapansin siya, kasama siya sa Badminton club kasama ng mga red ladies. Yung 2 girl, hindi ko na napapansin every Sunday. Ano na kaya balita sa kanila. Yung mga beterano ng takbuhan, yung naka jersey ng 21k at 42k ng previous Milo marathon minsan sa highway ko pa nakikita. Yung bagets na, loose lagi ang shirt pag nag jogging at sobra ang stamina, hingal na ako ilang laps palang, siya sige pa rin.

Actually marami pa eh, kaso masyadong common sila para pansinin. Yung iba sa kanila, pensyonado na, mga matatanda na mag-couple, mga mag-pamilya. Hehe. Pasensya na kung marami akong napapansin, kagaya ko rin ang mga miron sa pader ng school na buong araw nanonood lang sa amin. Ewan ko anung trip nila.

The Week that was

0 Reaction(s)
Puro adjustment ang theme ng week na ito. Adjust sa bagong pwesto, sa bagong kapitbahay, sa bagong ingay ng mga nasa research, at pagdalaw ng mga nagtatapon ng basura malapit sa area ko.

Simula nang magkaroon ng memo tungkol dyan sa pag browse ng mga sites na yan, napilitan nalang ako na mag browse either sa Google News, sa Weather Forecast, Latest Earthquakes thru USGS, Office of Presidential Affairs at NatGeo. Lahat na pakialaman wag lang ang pinagbabawal. Ang hirap hirap kasi, paguwi mo sarado pa ang mga shop at hindi ka makapag-update. Kung may nag comment ba sa latest entry mo, kung meron kang gustung isulat na hindi makapagaantay ng ibang araw. Mga ganung bagay.

Buti nalang at may OC, kahit papano naaliw ko ang sarili ko sa pagbebenta ng aking sarili sa ngalan ng pagpapatawa sa mga ka-officemate, sabihan ka na ng panot, matanda, manyak pero syempre gwapo naman at isa sa Eigenmann brothers, hindi na nawala ang usapang pagisip sa tampulan ng asaran ng team mates ko. Kung hindi ka sasakay sa issue at mapikon, ikaw ang talo. Ganun ang usapan namin, wag kang sasali kung alam mong hindi ka handa sa ka-okrayan ng mga babaeng kasama mo sa office.

Halos twice a week nalang akong mag-uupdate siguro sa blog, ayokong bumili ng taptap, kasi merong mas priority akong bibilhin kesa dyan (hello DSLR camera). Pero naka-schedule naman ang ibang post just in case na hindi makapag-update ako, pero syempre either music or funny post etc ang mailalagay ko. Hayz, ayoko ng ganito, hindi ko ma-express at the current moment ang nararamdaman ko at minsan nakakalimutan ko na siyang ilagay.

Kagaya nalang nung nainis ako nung isang araw. Maaga akong nagising, kainitan ng tanghali habang sa bahay, palipat-lipat ng channel 2 at 7. Umalis ako para subukang makapag-update ng blog pero tingnan mo ang nangyari, walang Internet connection lahat ng shop sa area namin. Nakailang ikot na ako, napawisan, napagod at nasunog ang balat all for nothing. Crap. So sinubukan kong matulog nalang pero hindi ako makatulog, kumanta nalang at sinabayan ang MP3 sa cellphone kahit sintunado, ganun talaga ang buhay, kelangan ilabas ko itong hidden talent na ito. Nyahaha. Na-stressed out si Mama kakakinig sa akin, at sinabing pumasok na ako para tumahimik ang bahay.

So far, kahit papano, kahit antok na talaga minsan dahil sa kulang sa tulog. Medyo Ok naman ako ngayon, merong mga paths na naka-open pa rin at binigyan ako ng ample time para makapag-isip kung susubukan ko ba siya or go sa alternate way or hiatus pa rin. Basta bahala na, ang daming pagbabagong mangyayari hindi lang sa office kundi sa sarili ko na rin at ang pakikipag-ugnayan ko sa iba. Hanggang sa muli.


And yeah, by the way, according to StatCounter.. this blog has been viewed..

100,000++ times

Corrupted Mind Test

6 Reaction(s)

Hale - Sandali na Lang

3 Reaction(s)
one of my fave song from Hale..



Sandali na Lang
Hale
Hale Above and Beyond

Sandali na lang
Konting panahon
Aking paghihintay
Na makasama ka

Sandali na lang
At abot tanaw
Ang pagkakataon
Na makita ka

Naiinip, nasasabik, kasing bilis
Nang isang iglap mahahanap
Sa may ulap
Nagtatanong, nagtataka
Bat wala ka pa?
Nakatingala, nakatulala
Pero sabi mo

Sandali na lang
At nandito na
At ang panahon
Ay wala sa ating kamay

Huwag mag-alala
Maraming oras pa
Ang nakalaan
Para sa ating dalawa

Rehab

6 Reaction(s)
Daming pagbabago talaga at knowing ang company kung san ako ngayon, change is really constant here kaya dapat mag-adapt kundi mapagiiwanan ka talaga. Isa na rito ang paglilipat lagi ng pwesto ng cubicle, hirap kaya maglipat-lipat ng mga gamit, lalo na't maraming abubot ka nang nilagay dun sa pwesto mo. Isama mo na rin ang recent memo regarding sa browsing of sites.

Hayz, kakalungkot talaga. Ika nga ni Nerissa (college classmate), think of it na parang rehab ko dahil adik daw ako sa blogging masyado. Kaya wag kayong magugulat kung hindi ako makakapag-update within a couple of days pero syempre pag me oras at maaga nagigising, eh punta agad ako sa shop para makapagt-update pero iba pa rin kasi yung fresh pa yung event sa isip mo at ilalagay mo sa blog mo.

Well, ganun talaga ang buhay. I love my job and blogging pero you have to sacrifice something in order to keep/gain something. Kaya tyaga muna sa pag browse ng mga news/current events. Hanggang sa muli.

Eleven Layers

0 Reaction(s)
meme grabbed from kuya DK..

LAYER 1: BASICS
Name: Jinji
Birth Date: February 27, 1982
Hair Color: Black

Righty/Lefty: Lefty

LAYER 2: ON THE INSIDE.
Your fear: Failure/Rejection
Your dream of the perfect date: Watching the waves hits the rocks, above the green and windy hills. Holding hands, hugging and kissing. *kilig*

LAYER 3: YESTERDAY, TODAY, AND TOMORROW.
Your first thoughts waking up: Same boring day
Your bedtime: 9:00 AM
Your most missed memory: Being with my college barkada

LAYER 4: YOUR PICK.
Pepsi or Coke: Pepsi, pero Pocari Sweat nalang
McDonald’s or Burger King: wala
Single or Group Dates: Single.
Adidas or Nike: Reebok
Chocolate or Vanilla: Pwede langka or mango
Cappuccino or Coffee: Water nalang

LAYER 5: DO YOU.


Smoke: Nope
Cuss: No
Take showers: Yup.
Have a crush: Yup.
Like school: Yes
Think you’re a health freak: Nope.

They skipped layer 6.

LAYER 7: HAVE YOU EVER. 


Played a stripping game: Nope.
Kissed the same sex: Huh?
Gotten beaten up: Hell, No

LAYER 8: GETTING OLD.
Age you’re hoping to be married by: I dunno, mag-NPA kasi ako
Number of kids you’re planning on having: No idea right now.

LAYER 9: IN A GIRL/GUY.


Best eye color: Brown.
Hair color: Black.
Short or long hair: Short.
Fat or fit: Slimtoned.
Looks or personality: It depends
Fun or serious: Both

LAYER 10: WHAT WERE YOU DOING.


1 MINUTE AGO: Uhm, Blogging?
1 HOUR AGO: Texting my friends
1 WEEK AGO: Work?

LAYER 11: FINISH THE SENTENCE. 


I FEEL: bored.
I HATE: this so-called life.
I HIDE: myself.
I NEED: someone.
I LOVE: you!

Sunday adventure

2 Reaction(s)
Sunday morning. 5am nagising. Jogging time. Nagkamali pa ng sinakyan, dumiretso imbes na lumiko. So pwersahang mag early walk sa kahabaan ng highway namin papuntang school. Here's the google earth image the school oval kung san po nagpupunta ang inyong lingkod.


Ngayon lang nga ako nagtagal sa jogging, almost 2 hours, siguro naengganyo ako sa dami ngayon nang nag-jogging, dati rati mabibilang mo lang sa kamay mo ang nagpupunta dun, kadalasan puro matatanda pa. Regular pa nga dun si Mang Floro, father ng kababata ko nung nasa San Jose pa kami. Ngayon, makikita mo, mga bata, mga nanay na kasama ang kanilang mga anak, mag-asawa, kasintahan. Nakakatuwa kasi health conscious na ang lahat at nakikita na nila ang benefits of being fit.

Nagpahinga lang ako saglit, then naglakad na ako palabas ng school. Imbes na sumakay ako ng jeep pauwi, trip lang na lakarin pauwi sa amin kahit malayo. Pero this time, sa secondary road ako dadaan at hindi sa main. Maiba lang sambit ko sa sarili. Nagmuni-muni at bumalik sa memory lane, na noong kabataan ko, i used to go this street or that para kitain ang mga classmate nung elementary. Hayz, nostalgia nga naman. Then dumaan rin ako sa depressed area sa bandang ilog. Nevertheless, mas ok pa rin dito kesa sa nakita ko sa Maynila, hindi kasingsikip at dungin ng lungsod.

Past 7 na nang makauwi ako sa amin. Grabe ang pagod at sakit sa paa pero enjoy naman ako dahil kahit papano nakapunta naman ulit sa mga lugar na matagal ko nang hindi nadadalaw. Amen.

A couple of hours later, lang ginawa kundi mag-text lang at nood ng TV. Kausap ko ang friend ko na magpunta naman kami sa Wawa ngayon since maganda ang panahon, kagaya ng iba kong kakilala eh, pag malapit ka talaga eh hindi mo mabibisita mga tourist attraction sa inyong lugar.

Nagkita kami bandang alas-2 ng hapon. Nagbabadya ang ulan dahil makulimlim kaya minabuti ko nang magdala ng payong. Akala ko nga hindi siya matutuloy dahil maarte pa naman itong friend ko na kapag ganun eh di matutuloy pero nag-SMS siya na malapit na siya dun sa meeting place namin.

So ayun, dali dali na rin akong naglakad. Mga ilang minuto pa eh nagkita na kami. Ang porma niya ngayon, sabi ko sa kanya bakit iyan ang suot mo eh pupunta tayo sa ilog niyan. Bahala siya kamo, maputikan at madumihan. Sumakay na kami ng jeep, tingin sa tanawin sa kalsada. Nagsimulang umakyat na sa Wawa, ang bilis niya maglakad, excited kasi kaya ganun. Eh ako hingal na agad sa baba palang.

Buti nalang at napawi na ang itim na ulap at nagsisisi ako kung bakit nagdala pa ako ng payong ngayon. Sinumulan na naming tahakin ang lugar, wala pa ring pinagbago, isa paring Paraiso ang lugar na parang buntot ng Sierra Madre. Sabi ko sa sarili ko, kailangan ma develop na ang  lugar na ito para marami rin ang makamalas ng kagandahan nito.

 
Kagaya ng sabi ko, since tagulan, malakas ang buhos ng tubig sa dam kaya walang cottage sa baba at sa bandang itaas lang. Nakakita pa kami ng mga turistang Koreano sa lugar na nag-eenjoy sa pagsakay sa balsa. At mukhang isang pamilya sila at nakita ko pang nag-iihaw sila ng baboy. Palaging kwento ko sa kanya nung kasama ko si Kuya Al na ginala na niya ako sa ibang parte nang Wawa nang sinubukan namin daannan ang kaliwang bahagi nito mula sa isang hill sa likod ng Eastwood (isang subdivision), kung paano namin tinawid ang nakakatakot at mataas na irigasyon at nakita namin ang buhay sa taas ng kabundukan, ang panghuhuli ng isda at kuhol ng mga taga dun pati na rin ang pagsasaka sa itaas.

Sa ngayon kanang ruta ang dinaanan namin which is bago sa akin at hindi familiar. Hindi kami tumawid sa ilog at nagpatuloy sa paglalakad. Sinuong namin ang kasukalan, mga nagtataasang mga talahib at halaman. Kahit papano me nakikita pa rin kaming mga bahay roon. Kakagulat nga at inabot pa ng kuryente ang lugar nila pero ang tubig mula sa malinis na bukal. Ang problema nga lang sa lugar na ito eh ang pagdadala ng mga kalakal nila, papunta at pabalik. So since malapit sila sa ilog, through raft nila pinapadaan pababa o kaya naman sa isang lumang gulong at pinapaanod nila hanggang sa makarating ito sa lugar malapit sa Dam. Ang mahirap lang dito ang pagdadala nila pabalik ng mga bigas at iba pang kailangan nila.


Hanga ako sa kanila, dahil kung ako lang ito hindi ko kakayanin ang mamuhay sa ganun pero masaya siguro dahil simple lang ang buhay at walang materyal na inaasam which is nakakainggit talaga. Medyo malayo layo na rin ang aming nakarating at kumakapal na ang mga puno, andun na pala kami kung saan pwedeng mangaso basta may permit lang. Ang ganda ng lugar kaso nakakatakot kasi bakit parang me icon ng isang mata sa isang structure dun at inisip ko nalang na parang kulto siya or something. Pasalamat nalang ako at hindi umulan talaga kung hindi, baka ma stranded kami at maputik ang aming damit at shorts.

Mukhang narating na namin ang dead end ng trail na iyon at nakasalubong namin si Mang Gerald, taga roon at nagtanong kung me daanan pa ba sa lugar na iyon. Sinabi niya na delikado na roon at bato na ang nasa paligid nito at pag nadausdos ka pa eh malalim na bahagi ng ilog. Kinausap namin siya na san pwede sumakay sa isang balsa o kaya bangka pabalik, dahil gusto lang namin masubukan makasakay sa ganun, tama tama naman at may kakilala pala si Kuya kaya kinausap na rin niya ito at sinabing kung pwede ihatid kami sa may paanan malapit sa dam.

Although nakasakay na naman ako sa banka, at hindi kalaliman ang ilog, nakakatakot pa rin dahil nga me dala kaming cellphone. Binalanse muna bago kami umalis. Grabe ang scene na nakita ko habang sinasagwan kami ni Kuya, ang mga ulap na bumababa sa kabundukan kahit mas-alas 4 palang ng hapon. Ang gandang tanawin, sinabi ko sa sarili ko, pwede na akong mamatay ngayon dahil namalas ko na ang isa sa mga magagandang tanawin na nakita ko sa buong buhay ko. Lalo na ang dalawang bundok na siyang seal ng aming lugar, ang alamat ni Bernardo Carpio, ang dalawang matayog na kabundukan na pinagmamalaki ang sarili niya sa sinumang nakakakita nito.

Nagkwento rin si Kuya sa amin habang tinitingnan namin ang mga tanawin mula sa ilog. Kung paano ang buhay nila run, kung hanggang san may ilaw, kung paano pag madilim na, yung buhay nila nung panahon ng hagupit ni Ondoy, yung mga namamatay dahil inaalay sa diwata ng ilog, issue rin sa NPA since mabundok ang area, yung military outpost na hinahanap ko, kung taga san siya at halos taga Antique ang mga taga roon. Nakakatuwang marami kaming nalaman bukod pa sa nageenjoy sa aming munting paglalakbay.

Narating din namin ang paanan ng Dam, at bumaba na rin kami sa may mababaw na lugar at nag trip na naman itong friend ko na sa kaliwang bahagi naman kami pumunta, nakita kasi namin na parang may maliit na ilog rin sa kaliwa nito at curious kami kung san galing ang agos nito. Nilakad ulit namin, ang lamig ng tubig at malinaw siya, compared sa silt mula sa main river, masasabi kong parang sapa o batis siya na hindi ginagalaw kaya malinaw siya at pwede pa atang inumin.

Medyo nahiya naman kami dahil merong naliligo sa bandang ibaba, nagpaalam naman kami nang makadaan. Grabe parang nasa ibang mundo kami habang tinatahak ang kung saan nagmula ang maliit na ilog na ito. Makikita mo ang mga kawayan sa kaliwa at ibang nagtataasang mga puno. Naka ilang liko kami at nakita rin namin ang pinanggagalingan niya, isang maliit na talon at hindi masyado puntahan ng tao. Bago na naman ito sa akin at sa pagbalik ko, hindi pwedeng hindi siya babalikan kung sakali naisip ng barkada na magpunta ulit sa lugar na iyon. Hindi na sana kami tutuloy pero dahil sa akin at may nakita akong maliit na hagdan sa kaliwa nito, sana hindi ko nalang sinabi ito, at ayan umandar na naman ang pagigng adbenturero kaya umakyat kami.

Nakasalubong pa nga namin at ilang taga roon at naligo rin pala. Medyo mabato ang falls na iyon at delikado pag nagslide ka dun. Sa taas naman nito, tuloy pa rin ang agos niya pero dahil hapon na nun, minabuti na naming called it a day at bumalik nalang sa ibang araw. Medyo malayo na kasi at malay ba namin kung ayaw ng mga enkanto na merong mga taga lupa na mapapadpad dun, ako hindi ako naniniwala pero ayokong makakita ng mga laman-lupa kung sakali man na totoo sila. So ayun, tinahak na namin ang daan pabalik sa baba ng Wawa, humanga sa mapuputing bato (limestone) kung saan bakit tinawag na Montalban (white mountain) ang aming bayan.

part of Montalban, showing the water system from Wawa dam (marked as A),
passing through the area of M.H. Del Pilar

Sumakay ng jeep, grabe ang pagod. Nagpahinga habang nagpapahangin.Hindi alintana ang mga pasahero. Nakakatuwa dahil sa loob lang ng isang araw. Marami akong natutunan sa bayan namin at napuntahan. Nakakilala ng mga lokal sa area na iyon. Basta, sarap ng pakiramdam at hindi mo maipaliwanag ang kasiyahan na nadarama ko sa araw na iyon. Kung pwede nga lang na ulit ulitin ko iyon ay gagawin ko, pero pangako ko sa sarili ko iyon na maglalakbay ako bilang treat sa sarili at sa awa ng Diyos eh nakakapaglakbay naman kahit papano.

Pasensya na medyo mahaba ang post na ito. Hindi ko ramdam ang haba nito dahil nageenjoy ako at gusto kong ibahagi ang eksperiyensyang ito. Hanggang sa muli at salamat po sa pagbisita palagi sa aking blog.

He Says

2 Reaction(s)
-can't get you out of my mind.
-can't lie to myself how deeply im in to you.
-can't pretend that you are not the one.
-can't complete the whole day without you and your simple presence.
But
Why i can't have you?
-Afraid to confess.. :-(
 
-you are the pulse beating in my heart
-you are the light which i am seeing love now
-you are my strength deep from within
-you are the rhythm playing in my soul
-and now i am singing this song.
'that i love you, i have loved you all along, and i miss you, been far away for far too long, i keep dreaming you'll be with me and you'll never go, stop breathing if i dont see you anymore..'
--can't get enough words when im talking to you, i become so timid. Now this feeling is getting harder and harder
-bulletin post by alfred dedicated just for you. 'oo ikaw nga wag ng magtanong kung sino' ingat po ikaw palagi. :-)
 
-its only my blanket who still cares to hug me till the sun rise up.
-Its only my pillow who cares to lean-on all night.
-its only my bed who cares to comfort me everytime i am tired.
-.But theres one thing that they cant give it to me.. The 'inspiration in accordance to love' bec. it is only YOU who can offer it me.
Goodnight po. :-S
 
"Tell me that you love me
Tell me that you care
Tell me that you need me
And I’ll be there
I’ll be there waiting
I will always love you
I will always stay true
There’s no one who loves you like I do
Come to me now
I will never leave you
I will stay here with you
Through the good and bad
I will stand true
I’m in love with you
Now were here together
Yesterday has past
Life is just beginning
Close to you at last"
-excerp from lyrics
 
Medyo matagal na ring mga araw at linggo ang nakalipas mula ng huli kitang nakita. Di ko tuloy matandaan ang mukha mo lalo na ang mga pagbabago sa'yo pero isa lang ang di mawala mawala yun ay ang nararamdaman ko sa'yo..
-hahaha, baduy ko. :-D histherical lang.
-Darn paranoia
 
 
yes, finally the feelings that i kept inside for a months past was released to the person i adore most.its hard to confess because of certain hindrances that i am thinking. The possibilities can really happen but still i made my choice. To be far far far away for a moment.
re-diverting my attention to work is one way to forget it. I am working for almost 13-14 hours a day. imagine? 8am- 10pm.. nakakatamad at nakakapagod pero ayos lang kayang kaya naman :D
"these are my confessions
Just when I thought I said all I could say
My chick on the side said got one on the way
These are my confessions
Man I'm thrown and I don't know what to do
I guess I gotta give part 2 of my confessions
If I'm gonna tell it then I gotta tell it all
Damn near cried when I got that phone call
I'm so throwed and I don't know what to do
But to give you part 2 of my confessions"
HAYZ.
 
-"You Confessions", Alfred via Friendster bulletin board

Harinawa - Hale

0 Reaction(s)

She Says

3 Reaction(s)
I have been blogging for the past seven years and in the 5 years ng blogging ko before, etong blog ko ngaun, sa dinami-dami ng pinagdaanan ko at nawitness mismo ng blog ko at ng mga taong nakasubaybay, hindi ko magawang idelete, i owe it to those people na tumulong saken sa struggles ko not to delete this blog. according to them, deleting this blog would mean na hindi ko na pinahahalagahan ang mga naitulong nila at ang naging reasons nila for helping me out. at dahil na rin sa blog na to, i found true friends na hindi ko ipagpapalit sa kahit anong halaga. i promised na itutuloy ko ang pagsusulat.. mapawalang wenta man o may kapiranggot na sense. that has always been my style.. writing at random. bihira na makabuo ako ng isang blog post ng iisang topic lang, nways, goin back... my answer would be NO.. i wouldn't delete my blog even if offeran ako ng napakalaking halaga. this is more important to me.. the memories i've stored here and the friendships and bonds i've formed dito sa blog na to. its more important than anything else. :D i love my blog. and i love the people in it more..
-Welcome Back Friends (edited), Yanah's Life is a Twitch

Mukha ng Maynila

0 Reaction(s)
Mula sa DFA sa may Macapagal Blvd, kalakasan ng ulan. Wala pang payong. Share sa isang payong lang. Tumawid na kami sa kabilang kalsada para pumunta sa Roxas Blvd. Kainis bakit pa kasi hindi ko dinala ang payong ko. Buti nalang at doble ang suot kong damit at ung upper part ng polo lang ang basa.

Sumakay ng bus at jeep papuntang Divisoria. Kaunting kwentuhan ulit sa loob. Pagkababa naman dumaan kami sa 168. Ang putik ng daan, kung pwede lang mag short papuntang DFA gagawin ko kaso nung pumunta ako dun lahat sila naka jeans at baka hindi ako papasukin. Hehe!

Pumasok sa loob ng mall. Pareho lang siya sa may Tutuban pero kung damit lang talaga paguusapan mas maganda dun kesa dito na halos parang Carriedo lang ang siste. Puro tsinoy ang mayari ng mga stall sa pasilyo. Kursunada ko na magkaroon ng Super Mario keychain pero wala yung gusto ko at yung malaki lang ang andun, i dunno kung worth ba ang 180 para doon.

Dami ring China phone, sabi pa nga ni XT meron daw dun na kapag nag-tetext ka eh parang hologram siya. Bago lumabas sa mall, tiningnan ko rin ang mga spoof shift, parang inspired nga sa Team Manila shirt ang nabili ko, mga kanto na terms at street foods. Kulit nga niya kaya napabili tuloy ako.

Paglabas tinahak namin ang sobrang putik na daan. Naaawa naman ako sa sapatos ko. Kailangan na niya palitan dahil me kaunting butas na siya sa gilid. Dahan-dahan tuloy ang paglalakad ko at hawak ang pants para hindi masyado maputikan.

Dumaan sa tindahan ng mga stuff toys, yung nakita kong flounder fish kay XT sa Ocean Park pala niya nabili, wala akong nakita na ganun dito. Nakita ko rin kung paano nila gawin ang kastanyas, ang bango bango niya at ung pagluluto niyo eh sa isang malaking customized na drum.

Dahil kumakalam na ang sikmura namin, dumaan sa isang fastfood at kumain saglit. Matapos nito ay nagtuloy sa aming pagmamasid sa mga paninda sa bangketa. Napadaan sa tindahan ng mga prutas. Na curious ako sa isang prutas na maliit na parang inaamag na kulay blue, sugar plum pala siya, mahal nga lang at 50 pesos sa tatlong piraso lang, knowing myself na hindi ako mapapabili nang ganung kaunti lang makakain. Tiningnan ko nalang siya at saka na bibili pag nag food trip nalang. Lalo na ang kiwi na hindi ko pa natitikman. Ewan ko, sadyang kuripot lang talaga ako siguro.

May nagtitinda pa ng rabbit. Nagtataka lang ako bakit nasa mataas na pwesto siya, sabi ni manong libre naman daw ang magtanong, sabi niya although nakikita mong nag-hop ang mga bunny, may phobia sila sa heights kaya nde nila gagawing tumalon mula sa mataas na lugar. Hindi ko lang ma recall yung mga veggies na bawal sa kanila, me repolyo ata akong nakinig. Imported pa nga daw ang mga red eyed bunny eh albino lang kaya mga iyon. Ang sarap sarap nito hawakan, parang living stuff toy lang. Buti nga hindi ako kinagat at inamoy lang ang aking palad.

Dahil malapit na ang Halowin. Titingin sana ako ng ok na costume, sa office kasi plano ng team na parang Addams Family ang theme at syempre ako ang kalbo. Haha! Puro paputi, pula at itim sa mukha na naman ito pag natuloy. Balak ko sana yung maskara ni Jigsaw kung meron, kaso nagikot ikot kami at wala akong nakita. Si XT naman nabili ng horror mask para sa work niya.

Pagkatapos nito, dumaan naman kami sa tindahan ng mga bags/luggage. I dunno kung hindi ba siya pirated, hindi ko rin naman balak bumili sa ganun. Gusto lang ata ni XT yung bag ni Wako na dinala ni Jason sa Cabra kaya naman baka sakali na merong style ng Hawk bag dun sa lugar na iyon. Hindi pa ako nakakapunta sa Binondo (Manila Chinatown), kaya sinabi ko kay XT na pumunta kami dun, nilakad nalang namin siya tutal malapit lang naman daw.

Though ilang beses na akong napapadaan sa depressed area sa Manila, hindi pa rin nawawala ang shock ko pag nakikita ko ang mga bata at pamilya nila na namumuhay sa mga barong-barong at karton sa sidewalk. Maski ang bagong gawang tulay na sarado pa ngayon sa may estero. Parang ang dumi dumi tingnan lalo na ang isang building na puro mga sinampay na damit ang makikita mo. Hindi sa pagkukumpara pero kahit nasa probinsya ako, masasabi kong malinig at disente tingnan ang sa amin kumpara dito. Hanggang kailan kaya silang ganito, sa isip ko, sana nga dumating ang araw na hindi na sila titira sa ganitong lugar at may disenteng pamumuhay at tirahan na ang bawat isa sa kanila.

Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakarating na kami sa Binondo. Ang arkong simbolo ng pagkakaibigan at relasyon ng Pinoy at Intsik ay mamamalas sa kahabaan ng Quintin Paredes. Napansin ko halos lahat ng banko nakapaligid dito eh merong Chinese translation, marahil dahil na rin sa karamihan ng customer nila eh Tsinoy din. Makikita rin ang Binondo Church, parang sa UST lang siya at nirerepair lang siguro ang mga lumang bahagi nito. Nakita ko rin sa lumang fountain na naliligo ang mga batang kalye.

Sayang nga at kung may camera lang akong dala eh kinuhaan ko na ng shot ang ilang bahagi nito. Naisipan kong bumili ng pasalubong sa bahay at kainin na rin sa office ng pamosong hopia ng Eng Bee Tin, na rinig ko pa kay  XT na siya mismo ang nagtitimpla ng mga ingredients nito, kaya masasabing personalized talaga siya. Ang daming flavor ngayon, dati rati eh ube lang, tapos nito nagkaroon ng Buko Pandan at kombinasyon pa ng Ube/Pastillas, Langka at meron pang Mocchachino. Ang kulit kulit nga niya at pang attract na rin ang kulay nito at mukhang malinamnam. Dahil camwhore si XT, hindi napigilang kumuha ng picture sa tabi ng poster ni Eng Bee Tin.

Matapos nito, dahil wala pang tulog si XT at tapos na akong gumala sa lugar na iyon. Napagpasyahang umuwi na kami para makapag pahinga. Masakit na rin ang paa ko at naghihikab na nga eh. Sumakay na kami ng jeep, matatagalan pa kasi pag nag Quiapo ako kaya sa EDSA nalang ang baba ko para mag-MRT. Nauna nang bumaba si XT, salamat ulit sa pagsama sa akin kahit puyat ka at umuulan, sinamahan mo pa rin ako dahil hindi ko nga kabisado ang lugar.

Dahil na consume ko na ang stored value ticket ko, napilitang makipagsiksikan sa haba ng pila sa MRT-Taft, grabe ang init, naghalo halo na ang mga amoy nga mga tao, at pawis ang lahat. Kainis, ayoko talaga ng ganitong sitwasyon pero wala naman akong magagawa eh. Nagpalamig sa loob ng MRT. Sumakay ulit ng ilang jeep pa, nakarating sa bahay bandang alas-4 ng hapon. Humupa na ang ulan nung oras na iyon. Nag file na ako ng leave para sa araw na ito. Kaya naman himbing ang tulog ko martapos magpahinga ng ilang minuto.

Passport Renewal

2 Reaction(s)
Alas-9 pa ng umaga ang appointment ko for passport renewal sa DFA-Aseana. Since hindi ko alam ang lugar kaya nagpasama naman ako kay XT. Though maraming directions ang nakalagay sa ibang website mas sigurado na pasama nalang ako sa taga-doon mismo. Kung bakit kasi nilipat pa ang location at hindi nalang sa Roxas Blvd at baguhin nalang ang process.

Masyadong alanganin ang lugar pero malapit lang siya sa MOA. Sumabay pa ang manaka-nakang pagulan, kaya naman badtrip talaga lalo na't hindi ko pa dala ang aking payong. Ok naman ang lugar, alangan lang nga lalo na't hindi siya friendly dahil makikipagpatintero kpa sa daan.

Naka-ilang daan kami ng gate pero me kanya kanyang purpose ang bawat gate. Mahigpit sa loob at hindi ka pinapapasok unless may appointment kang dala na mapapakita sa kanya. Minabuti na naming mag-antay sa labas at palipas ng oras. Habang nagpapabasa sa ulan, inalo nalang namin ang sarili sa pagtawag sa kakambal ni XT na si Brine.

Hanggang sa dumating na ang 8.30am at kailangan ko nang pumasok sa DFA. Mahaba ang pila, pero gumagalaw naman. Nagpa-verify ako ng appointment. Pinapasok na ako sa loob. Naka-categorize ang bawat lane. Per benchrow ang mga nagabang ma process or renew ang passport nila. Mabilis naman dahil wala pa ngang ilang minuto gumagalaw ang pila.

Wala akong dalang ballpen nun kaya naman nanghiram nalang ako kay tatay. Kinakabahan dahil yung supporting documents baka kailanganin at hindi pa naman ako kumpleto. Hanggang sa na check na ang documents ko, buti nalang at Ok naman siya. Pumunta sa step 2 sa cashier na. Nakakalito ang mga signs sa loob, parang tanga lang. Kung hindi mo babasahin talaga maliligaw ka.

Umakyat sa stairs, pumila for the payment, hiwalay pala ang bayad sa delivery. 950 pesos na ngayon ang E-Passbook, ang mahal  na niya considering na dati eh 500 lang siya. Signs of times. Tsk tsk. Humingi ng number for Step 3 which is encoding na ng passport details. 1420 ang nakalagay sa stub ko at 1300 palang ang tinatawag. Naupo muna, sightseeing sa mga nag apply din ng passport. Iba't ibang tao, merong madre, merong callcenter agent, mga ex-OFW, merong dala ang kanilang mga baby.

Mabilis naman ang processing, mga 10 minutes lang time ko na, pero bago iyon merong gumagalang mga nagaalok ng delivery services kaya dito na ako nagbayad para hindi na ako bumalik pa dahil hassle nga sa akin. Mabilis naman ang encoding ng documents, pa picture, medyo tabingi. Kainis nga eh pero hayaan na natin. May biometrics din sila for left and right thumb. Wow asensado na talaga sila ngayon at nag improved na ang security nila sa passport.

After that, dumiretso na ako sa delivery area nila para confirm ang address na nilagay ko para mail nila ang passport thru LBC. After that tapos na ang process. Less than an hour lang ang na-consume ko. Masasabi kong big improvement ito at 2 thumbs up sa DFA. Kahit papano nawala na ang mahabang queues at wala nang fixer at personal na nag apply ang mga tao sa kanila. Sana nga lang kagaya ng sinabi ko kanina, maging friendly sila sa labas. Lalo na't alanganin ang lugar, wala man lang shade kapag umuulan. San pupuwesto ang mga kasama ng nag apply ng passport nasa labas lang nakatunganga, parang pila ng sa isang gameshow.

Within 20 days ang regular processing niya and 1 day naman after ang delivery. Sa wakas nakapag pa-renew na ako ng passport ko. Yipee!

Locos por El Cine

0 Reaction(s)

official website