Isked

Katapusan ng buwan, plano ng tropa na mag-bonding at this time, adventure trekking naman. Marami pang lugar dito sa amin ang hindi pa napupuntahan namin at isa na rito ang "Little Baguio" at aalamin ko palang kung bakit ganun ang tawag nun sa lugar na ito. Masaya ako kasi kagaya ng napapanood ko sa TV na sasakay kami sa taas ng jeep at dadaan sa ilog at matatarik na bundok at susungabin naman ang kasukalan ng gubat bago makapunta sa aming destinasyon. Sana nga lang maganda ang panahon at makiayon sa amin.

Isa na rin ang plano din ng "regular" cast ng annual college reunion na sina Neri, Tere, Charlene, Arnold at ako ang magkaroon ng road trip. Tentative ang Tagaytay dahil ito lang malapit na pwedeng puntahan. Sana nga lang mag materialized at ma-settle ang mga conflicts sa schedule at free time ng bawat isa at sana may dumadagdag pa at hindi lang kami ang palaging present pag may ganitong lakwatsa. Hehe! Hanggang sa muli.

5 Reaction(s) :: Isked

  1. kakatapos lang ng college reunion namin nung weekend. enjoy ka sa inyo. :))

  2. hehe, naku roadtrip lang ito, katatapos lang din sa amin last month!

  3. sa February pa naka set reunion namn...so excited na to see my college buddies

  4. Wow. Good luck po sa mga gagawin niyo. :)

    Thanks din po pala sa pagbisita. :)

  5. thanks din sa mga dumaan sa aking blog