Tira-tirang pagkain kasabay ng Misteryo, samahan mo pa ng Dalaw sa Riverbanks

Walang ginawa buong araw kundi kumain lang ng leftovers nung nakaraang pagsalubong sa Bagong Taon. Syempre dahil wala pang pasok nag-adik muna sa Net lalo na sa Cityville. Nanood muna ng episode ng Misteryo bandang alas-5, kung bakit kasi nilipat pa sa GMA ito samantalang ok na naman ang timeslot nya sa QTV. Siguro dahil kumikita siya pero sana man lang magkaroon ng replay sa twing Sunday. Nakaka-relate dahil lighthouse ang topic nila at minsan nakapunta na rin kami sa lumang lighthouse pero hindi na kami nakapasok dahil kandado na ito.

Pagdating ng hapon nagpunta naman sa isang mall sa bandang Cainta para may i-meet na friend. Sabay nood ng "Dalaw" bandang gabi. Pagkatapos manood, nagutom at napagpasyahang magpunta sa Marikina Riverbanks, dahil sarado na rin ang mga Mall dahil pasado alas-9 na. Maraming napagusapan sa buhay-buhay hanggang sa umuwi na kami bandang alas-11 ng gabi at napagod na rin kakalakad at puna sa maduming ilog. Hatinggabi na rin nakauwi.

6 Reaction(s) :: Tira-tirang pagkain kasabay ng Misteryo, samahan mo pa ng Dalaw sa Riverbanks

  1. I almost had the same day...HAHAHA!!! Super nag-aadik talaga ako ngayon sa Cityville at napanood ko rin yun Misteryo... Naglalaba kasi ako that time so hindi ko malipat yung channel... Pero nung nagka-chance na ako... Nilipat ko na talga...Sobrang matatakutin din kasi ako eh... =)

  2. Hi kuya! na add na kita sa blogroll ko.

    happy new year sayo. start by thinking positive. don't ever think na malas ka. :D

  3. haha ako matatakutin din pero lagi ako nanunuod ng horror hihihi

  4. hehe, salamat po sa pagdaan sa aking blog!

  5. apir

  6. thanks sir!