Kinapos na naman

Buhay nga naman, kahit anung pagtitipid ang gawin mo. In the end palaging kulang palagi. Nakakainis din minsan ang pakiramdam na palaging ikaw nalang ang gumagawa ng paraan sa pamilya nyo tapos sasabihan ka pa ng madamot kahit halos buong sahod mo eh naibigay mo na sa kanila.

Anu pa ba ang gusto nilang gawin ko. Magnakaw nalang kaya ako sa banko para lang mapunuan ang pagkukulang sa pera. Pag walang pera palaging nagbubunganga. Alipin at takaw na sa pera ang mga tao sa bahay. Kakapagod na minsan ang ganitong sitwasyon. Yung tipong, ginagawa mo na nga ang lahat pero wala pa rin sa kanila.

Araw araw kinakapalan ko mukha ko sa panghihiram ng pera dahil kahit pamasahe ko na nga lang buburautin pa nila sa akin. Syempre natural lang na magbabayad ako sa oras ng sahod ko. Tapos maririnig ko dagdagan mo naman. Iyon ang ayoko talaga sa lahat, ang sinasagad ako. Dahil in the end, sino ba ang mapepeste at obligadong mangutang para sa pamasahe. Ako di ba. Hindi sila. Sarap layasan minsan pero syempre hindi mo magawa kasi maraming bungaga ang umaasa sa iyo. Kahit hirap ka na nga balansehin ang stress sa trabaho at paano aalagaan ang sarili mo. Dagdag pa sa problema ang pagiisip sa kanila. Ewan. Nakakaurat na.

2 Reaction(s) :: Kinapos na naman

  1. parehong pareho tayo ng sitwasyon ngayon.

  2. kaya nga semaj eh. ang hirap.