Self [Pity]

Minsan talaga hindi mo maiiwasan na mag self-pity sa mga nangyayari sa buhay mo. Pag hindi ka na makapag-cope sa araw-araw na pressure at dagok ng buhay. Na wala kang magawa kundi tanggapin lahat ng mga ito with open arms pa. Ewan. Nag-uulan na naman kasi. Hindi ko maiwasan isipin kung ano kaya ang buhay ko pag hindi ganitong path ang tinahak ko at sa mga maling decisions na nagawa ko sa buhay. Wala naman akong magagawa kasi andyan na yan at hindi mo na matatakasan ang mga problema na dumarating sa iyong buhay. Kailangang maging matatag kahit nag-iisa. Wala namang makakatulong sa iyo in the end kundi sarili mo lang.

0 Reaction(s) :: Self [Pity]