tuwing [Friday] na lang..

Siguro napapansin ng iba kong mga ka-officemate kung bakit tuwing Friday nalang eh wala ako. Busy lang po ako sa pagpunta sa Quiapo at Divi para mamili ng mga gears para sa outfit namin para sa gaganaping ToyCon this June 18. Grabe ang init, pawis at pagod and lalo na financially ang na-consume namin para sa event na ito. Pero worth naman dahil kasama ko mga tropa ko, kung san hindi nawawala ang tawanan at kulitan pag kasama ko sila. Sila ang tinuturing kong totoong kaibigan dahil hindi nila hinuhusgahan ang mga sinasabi ko at totoo sila sa akin. Alam rin nila kung hanggang saan lang limitasyon nila sa private life ko. Kaya sulit ang mga Biyernes na ginugugol ko ka-bonding sila.

0 Reaction(s) :: tuwing [Friday] na lang..