Back to [Normal]

After an exhausting but rewarding experience sa Pico de Loro, ayan na ang effect ng tuloy tuloy na pagbaba ng hindi nagpapahinga. Muscle pain - lalong nabugbog ang kaliwang binti ko, dahil na rin sa paltos ko dala ng sandals na yan.

Almost midnight na rin kasi ako nakauwi sa amin and buti nalang at tapos na ang malakas na pag-uulan sa amin. Mga tanghali na rin ako nagising at na-miss ko ang bahay dahil halos 3 days rin akong nawala. Pinanood pa ng buo ang Eat Bulaga kasama ang family.

Pinahilot ko ang aking paa sa aking brother at uminom na rin ng meds para makaiwas sa lagnat at mawala ang muscle pain.

In the afternoon, wait si Prince na upload ng mga pics and send sa akin thru email. Medyo hindi pa ok ang pakiramdam kaya nag decide nalang ako na hindi nalang din pumasok bukas dahil masakit pa ang binti at hindi mailakad nang maayos.

0 Reaction(s) :: Back to [Normal]