Aktibidad

Early morning
Nagising nang maaga para makapag-jogging. Salamat at maganda ang panahon. Naka full circuit bago umakyat sa Wawa Dam at malasin ang magandang tanawin.

Later
TV junkie na. Magmula sa Matanglawin. Pinanood rin ang special documentary nila tungkol kay Ninoy Aquino, kanyang buhay, mga sakrispisyo sa bayan makamit lang ang kalayaan na tinatamasa natin ngayon.

Pakiramdam ko na lalagnatin ako bandang tanghali kaya uminom ng Paracetamol at Painkiller para sa muscle pain. Sobrang tamad na tanghali at ayokong lumabas nung mga oras na iyon.

Nag-text kay Cy na kukunin ang Kamen Rider series niya. Si Thomas naman mukhang may ibang lakad kaya kami nalang siguro ni Rene. Umabot ang hapon na walang reply si Cyril kaya hinatid ko nalang ang tent kina Rene at eto naglalaro ng Pockie Ninja saglit habang inaantay kung tatawag ba si Cyril sa landline na binigay ko.

Current
Minumuni-muni ang Facebook Page ng Roosevelt High School batch 1999, reminsce sa moments na iyon. Nakaka-miss ang buhay student. Hindi pa kumplikado ang buhay hindi kagaya ngayon.



0 Reaction(s) :: Aktibidad