Aktibidad

Nairaos din noong nakaraang Lunes ang aming dance performance sa office. Kahit nagkagulo kami dun. Ayos lang at naging smooth naman ang lahat at walang patid ang hiyaw ng madla. Hindi na umaasa na makakaabot pa sa Finals dahil ang gagaling ng ibang mga kalaban. Nadaan ika nga kami sa presentation at props.

Naging tahimik ang mga sumunod na araw at back to normal.

Kahapon ng gabi, binanggit na ang mga nanalo, at sa night shift eh - tadaaan! Team Renier. Sayang at naka sick leave si Boss at si Amber, super tuwa siguro nila, despite sa mga batikos eh andito parin ang team at ngayon pinaghahanadaan ang challenge sa Finals. Maraming kelangan baguhin at palitan. Sana lang maging ok din ang lahat.

0 Reaction(s) :: Aktibidad