Nang kausapin ni Ako si Ako

Hirap naman ng ganitong sitwasyon. Hayz, hirap hawakan ang isang bagay na alam mong hindi rin naman magtatagal sa iyo. Masarap ang ideya pero hanggang doon nalang iyon at alam mong wala kang magagawa at wala kang karapatan na gawin iyon unless suffer the consequences..

Malay mo nga naman ganun din ang iniisip niya.
Pero malabo talaga.
Pero malay mo nga.
Ayoko nga umasa sa wala.
Baka sakali ikaw lang ang inaantay niyang magsalita.
Oo inaantay at naghahanap ng paraan para hindi na kami magkausap.
Masyado kang nega.
Ganun naman ako dib. Realistic lang.
Paano mo malalaman hanggat hindi mo sinasabi sa kanya.
Ayoko nga at natatakot ako.\
Natatakot saan.
Na mawala siya. Diba sabi ko nga sa iyo, kung saan kami magtatagal, dun ako.\
Bahala ka nga, tapos panay ang emote mo sa sarili mo.
Hindi ko maiiwasan. Ganun talaga eh.
Sige ka ikaw din, minsan  lang ang pagkakataon.
Meron ba? Wala naman ata.
Basta gawin mo lang ang inaakala mong tama.
Masaya naman ako sa estado namin ngayon.
Itatago mo nalang yang nararamdaman mo.
Siguro nga.
...

0 Reaction(s) :: Nang kausapin ni Ako si Ako