Simula..


Marami ka pang dapat matutunan, A. Kung paano ko natagpuan ang pag-ibig na sayo ko lang naramdaman, gusto kong mahanap mo ang sarili mo sa paraang ikamamangha mo. Ayokong dumating ang araw na magsisi ka dahil sa mga sinasabi ko. Hanapin mo kung sino ka at saan nahahagilap ang hiwaga at panatag ng isang malayang pamumuhay. Iba ang ikaw na nagpapanggap at ang ikaw na haharap sayo salamin. Walang dapat magsabi ng kung sino ka. Kaya hahayaan kitang hinahunin ang sarili mong unos. At ako pipiliting lumikha ng pag-ibig o maghintay depende sa agos at takbo ng buhay.
-Ikatlong Bahagi: Dapit-hapon ng isang kwento. Yas'Cacoethes Scribendi

0 Reaction(s) :: Simula..