Aktibidad

Palapit na nang palapit ang katapusan ng taon. Maraming mga events at reunions na nangyayari. Sobrang dami hindi mo alam kung ano ang prioritize mo.

Sad nga lang at medyo cancel muna ang Vigan trip pero syempre ok lang at marami pa namang pagkakataon at pag ok na ang mga kasama ko tutuloy namin ito sa ibang buwan. Iyun nga lang, kelangan makapag isip ng mga gagawin lalo na't meron akong isang linggo na nasa bahay lang at kelangan maging produktibo at kapaki-pakinabang sa akin.

Iniisip kong umakyat sa Baguio at makapag ukay-ukay. Pwede rin naman na malapit lang sa amin sa Avilon Zoo at pagusapan ang get together ng PS boys. O kaya sa EcoPark naman kasama si Angelo para samahan siya sa kanyang libangan na pangingisda.

Mas masarap sana kung makakapag out of town ako. Para makapag isip or unwind. Mahaba pa naman ang panahon at may oras pang makapag-isip kung san ok pumunta nang hindi masyado magastos at kelangan na magtipid.

Ginagawa ko ito para malibang at maging diversion narin para sa nangungulila kong puso na sana dumating na sa susunod na taon ang right person for me. *sigh*

0 Reaction(s) :: Aktibidad