Kopya

Hindi muna nakapag jogging dahil maga pa ang binti dahil sa sunod-sunod na pagtakbo. Naka-text si Cyril  at napag-usapan na punta ako sa kanila para kumopya ng movie/anime kesa mag-antay pa ako ng matagal sa Torrents.

Habang siya eh naglalaro ng Persona 4, busy naman akong kopya ng 2 anime sa kanya. Hindi ako makapili sa dami ng movies kaya iyon nalang muna. Thanks sa hospitality at pinakain pa nila ako ng Sinigang na baboy at cassave cave special for dessert. Waaa!

Sayang nga lang at talagang alanganin si Cyril para sa get together at Midweek ang rest day niya at ubos na rin ang leave niya kaya malamang eh next year pa kami magkikita-kita nito nang kumpleto. Thanks ulit Cyril at balik nalang ako para kumopya ulit ng mga movies. Bow!

0 Reaction(s) :: Kopya