Hassle talaga

bpi my e-prepaid card sample


Last December 23, nag sign up online for BPI My E-Prepaid, since 100% approval siya unlike applying on CC na palagi akong deny dahil wala akong landline at nasa province ata kami. I was hoping na maaga ko siyang makukuha para sa Air Philippines promo since nagpahiwatig na sila sa site nila about 12 pesos fare nila this New Year. Ok naman ang application online. Binasa ko na rin mga guidelines and FAQs about it. Hoping na within 5 business day makuha ko siya.

Pinalipas ko muna ang Bagong taon at nagpunta sa BPI Family branch kung saan nominate ko as receiving branch. Disappointed lang na Dec. 26 pa pala nila natanggap at wala man lang akong natanggap na email para sana maaga akong makapag avail ng airfare promo.

Pumila na ako at kinuha ang Card ko sa BPI Family branch dito sa Montalban. Tried to reload thru Over the counter since next week pa ang payroll kaya hindi ko magagamit thru ExpressOnline. Sad na hindi nila makita sa system nila ang Prepaid card at ni remind pa ako na meron daw na 500 na processing fee kaya nabawasan pa ang dapat na dedeposit ko para sa Prepaid.

Twice akong nagpabalik balik sa BPI San Mateo dahil dun lang tatangapin ang enrollment at pagbalik sa account ko ung money na intended for Prepaid. Though mabilis naman ang service. Hassle lang talaga na hindi pa magka-link ang BPI Family at BPI though iisang entity lang naman sila. Magkano rin ang nagastos ko sa pamasahe dahil ibang branch pa ang kelangan kong puntahan.

Samahan na rin itong ExpressOnline nila na bakit hindi nalang kelangan mag enroll online at hindi na pumunta sa Branch nila, it would defeat their purpose na let's make it easier for the clients to do transaction. Sana on the coming months or years eh maging mas Ok pa ang services nila para hindi nakakasayang ng time and money sa pag transact.

Pero despite of that, I would be still thankful at meron na silang ganitong prepaid card na magagamit to shop and make reservations online. Thanks BPI for that.

0 Reaction(s) :: Hassle talaga