Ang [Unang] Hakbang..


"Ang isang malaking problema nga lang siguro, sa dami na ng mga napagdaanan natin, takot tayong sumubok humakbang at magkamali.. kaya nagkakasya na lang tayo sa isang sulok na nakasanayan na natin. Hanggang sa yung mga pangarap natin nagsisilbing palamuti na lang sa sulok ng ating isipan. Kaya eto araw araw na lang tayong palaging kulang, palaging umaasam sa isang bagay na di natin magawang tikman..

Sa madaming pagkakataon, nasambit mo na siguro na, “sana simple lang ang buhay..

Pero sino ba ang nagpapagulo at ginagawang kumplikado ang lahat? di ba tayo din mismo?

Madami kang gustong patunayan.. pero ano ba ang ginagawa mo ngayon?

Nasubukan mo na bang humakbang?"
-Chasing Pavement, Indecent Mind's Blog

0 Reaction(s) :: Ang [Unang] Hakbang..