Rehab weeks

Ilang araw or weeks na rin akong hindi nakakapag-jogging. Last week nagpunta sa St. Lukes Hospital sa Global City para pa-check ang condition ng paa sa isang ortho specialist and sabi nga niya natural way muna tayo like Physical Theraphy muna saka nalang ang X-Rays/MRI just in case hindi parin ok ang paa ko then proceed sa paginject ng steroids sa paa, ayaw ko naman umabot sa ganung point.

Problem ko nalang ngayon eh yung paghahanap ng schedule para sa PT, aside sa nighshift ako at hindi nakokontak ang secretary ng mga rehab doctors eh ang layo rin niya at alanganin ang mga sched nila at kelangan umalis pa ako ng tanghali para makaabot sa sched nila sa hapon.

Kaya minabuti ko nalang na suggest sa kanila, na dun nalang muna ako pa PT sa Marikina Valley Hospital kung san mas malapit sa amin compared sa St. Lukes, mga 6 sessions lang siguro and evaluate na ni Doc Nicomedes ang condition ko. Sana lang masimulan ko na siya para makahabol ako at makapag participate sa April 14 5k trail run sa Nuvali, Sta. Rosa.

0 Reaction(s) :: Rehab weeks